DOH, nagbabala sa paggamit ng dexamenthasone

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire

Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) tungkol sa paggamit ng gamot na dexamethasone bilang lunas sa Covid-19. Kamakailan ay napatunayang nagpataas sa survival rate ng mga Covid-19 patients sa Inglatera ang paggamit ng naturang gamot.

“Mariin namin pinaaalahanan ang publiko na hindi po tayo dapat pumunta agad-agad sa mga botika para bumili nito. Mariin din po naming pinapaalala sa lahat na ang gamot na ito ay hindi tine-take without the supervision of a doctor lalo na nga po kagaya ng ibang gamot, mayroon itong side effects kapag mali ang gamit nito,” pahayag ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

Bagama’t maganda ang naging resulta nito sa mga pasyente sa Inglatera, kinakailangan pa di umano ng mas malawak na pag-aaral tungkol dito bilang gamot sa Covid-19.

Naunang naiulat ng mga mananaliksik sa UK na nabawasan ang tsansa ng pagkamatay ng mga pasyenteng malubhang tinamaan ng Covid-19 sa UK na kinabitan ng mechanical ventilation dahil sa paggamit ng dexamethasone.

“Kaya kung inyo pong babalikan ang balita ukol dito, hindi po sinabi na ang dexamethasone ay gamot sa Covid-19. Dexamethasone has only been given to patients who are critically hospitalized, those who are already intubated and supported by a ventilator, or those who require oxygen therapy (Ibinigay lamang ang dexamethasone sa mga malulubha ang kalagayan, yung mga intubated at suportado ng vertilator, o yung mga nangangailangan ng oxygen therapy,” ani Vergeire said.

Pinaalalahanan naman ni Vergeire ang publiko na huwag bumili o maghoard ng dexamethasone bilang gamot kontra Covid-19.

LATEST