Mga ospital sa Metro Manila, nadagdagan ang Covid-19 patients simula noong mag-GCQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: PGH Facebook Page

Nakapagtala ng pag-akyat sa bilang ng admissions ng Covid-19 patients ang mga referral hospitals sa Metro Manila matapos sumailalim ang rehiyon sa general community quarantine (GCQ) sa pagsisimula ng buwan.

Ang Philippine General Hospital (PGH), na nagunguna sa panggagamot ng Covid-19 sa bansa, ay nag-a-admit ng average na 172 Covid-19 patients bawat araw mula sa 70 hanggang 80 noon.

Ayon sa direktor ng PGH na si Dr. Gerardo Legaspi, muling tumaas ang bilang ngayong buwan.

Aniya, “The last 8 days, we noted some increase in admissions. We were able to handle that by discharging patients or shifting the beds (Tumaas ang bilang ng admissions sa nakalipas na walong araw. Tinugunan namin ito sa pamamagitan ng pag discharge ng pasyente o pagaayos ng mga higaan). Tumaas ‘yan dahan-dahan, naging 100, 150”.

Isa sa apat na Covid-19 wards sa PGH ang isinara dahil sa mababang bilang ng mga pasyente. Subalit, muli itong binuksan dahil sa pagtaas ng mga na-a-admit.

Kasalukuyang tumatanggap ang PGH ng mga Covid-19 referrals mula sa mga ospital sa Maynila, Parañaque, Pasay, Makati, Mandaluyong, San Juan, Las Piñas, at kahit mula sa Bureau of Corrections at ilang quarantine facilities.

Iginiit naman ni Legaspi na nasa 70% ang kapasidad ng mga wards at kaya pa aniya nilang tumanggap ng mga pasyente.

“Noong magkaroon ng accessible testing ‘yung sa mga ibang ospital nagkaroon ng positive itatawag na sa amin, nade-deload, decongest ang ibang ospital. Not alarmingly high, especially if you look at the severity of the patients. Marami pa ring mild and moderate,” ani Legaspi.

Nakapagtala rin ng spike sa bilang ng mga Covid-19 patients ang Lung Center of the Philippines (LCP) simula noong unang linggo ng buwan.

Ayon sa direktor nitong si Dr. Tony Ramos, tinaasan nila ang bed capacity ng ospital upang matugunan ang mga bagong pasyente.

Prior to that we were hitting mid 60-65 [cases] then our high number was 79 and we were alarmed (Naalarma kami kasi ngayon umaabot sa 79 ang pinakamataas naming bilang kumpara noon na nasa 60 hanggang 65 na mga kaso lamang),” pagbibigay linaw ni Ramos.

Gayunpaman, hindi na ikinagulat ng PGH at LCP ang pagtaas sa bilang ng mga pasyente ng Covid-19 sa pagpapagaan ng community quarantine sa Kamaynilaan.

“Itong GCQ, MECQ (modified enhanced community quarantine), gave us time to prepare the hospitals (nagbigay ng oras sa paghahanda). If ever na magkaroon ng surge, kaya na ngayon kaysa dati,” wika ni Legaspi.

Sa San Lazaro Hospital naman, bagama’t nananatiling mababa ang bilang ng mga Covid-19 patients, tumaas naman aniya ang mga nagrerequest ng swab test ayon sa Spokesperson ng ospital na si Ferdinand de Guzman.

Pahayag niya, “Marami po ang nagpapa-test, swabbing for RT PCR (reverse transcription-polymerase chain reaction test kit), nire-refer sa amin. This morning lumagpas na kami sa 60 and it’s only half day. ‘Yung iba exposure”.

LATEST

LATEST

TRENDING