Mayor Sara: “Kultura ng seguridad”, isinusulong ng Anti-Terror Bill

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

Isang “kultura ng seguridad” ang idudulot sa bansa sa pagsasabatas ng Anti-Terror Bill, ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde na mapoprotektahan ang mga Pilipino ng panukalang batas mula sa kaaway “that does not have any regard for life, that only has death and destruction on their minds (na walang pagpapahalaga sa buhay, at tanging kamatayan at pagkasira lamang ang hinahangad).”

The history of Davao City has been marred by senseless and violent terrorist acts that have cost the lives of Davaoeños. It is a painful reminder as we continue to strive for the peace and security of Davao and the people (Nabalot ng terorismo ang Davao City sa kasaysayan nito na ikinamatay ng maraming Davaoeño. Nagsisilbi itong mapait na alaala habang patuloy ang ating paghahangad ng kapayapaan at seguridad para sa Davao at sa mga residente nito),” ani Mayor Sara.

Iginiit din nitong patuloy pa rin ang pagbabanta ng terorismo bagama’t nasa kasagsagan ng pandemiya ang bansa.

Aniya, “The presence of domestic and foreign terrorist threats in our country continues to undermine our peace and democracy even as we are in our most vulnerable state (Ang presensya ng pagbabanta mula sa lokal at banyagang terorista ay patuloy na nagdudulot ng problema sa kapayapaan at demokrasya kahit nasa panahin tayo ng krisis)”.

Hinimok naman ni Mayor Sara ang publiko na manatiling mapagmatyag at tumulong sa pagbubuo ng isang “kultura ng seguridad” sa komunidad.

Sang-ayon naman si Davao de Oro Governor Jayvee Tyron Uy sa pananaw ng alkalde at sinabing kinakailangan ng mas matibay na batas sa bansa laban sa terorismo.

Para naman kay Davao Oriental Gov. Nelson Dayanghirang, maipagpapatuloy ang mga naging hakbang ng pamahalaan tungo sa kapayapaan sa pamamagitan ng pagsasabtas ng Anti-Terror Bill.

Samantala, sinabi naman ni Davao Occidental Governor Claude Bautista na matutulungan ng panukalang batas ang pagpapaigting sa programang Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ng pamahalaan.

LATEST

LATEST

TRENDING