Roque: Mahigit 155,000 OFWs, nabigyan ng ayudang pinansyal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Aabot sa ₱1.5 bilyong ayudang pinansyal ang ipinaabot ng pamahalaan para sa libu-libong overseas Filipino workers (OFWs). Mahigit 50,000 din sa mga ito ang nakauwi ng bansa sa gitna ng Covid-19 pandemic, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na 115,230 OFWs ang nagbigyan ng sabsidiya sa ilalim ng  Abot Kamay ang Pagtulong for OFWs o AKAP program, kung saan nadagdagan ito ng ₱1 bilyong pondo upang mabigyan pa ang 250,000 OFWs. Ang inisyal na ₱1.5 bilyong badyet ay nakapag-abot na ng tulong sa 139,000 na mga benepisyaryong nakatanggap ng ₱10,000 bawat isa sa tulong ng ibang ahensya abroad.

418,142 applications ang natanggap ng programa kung saan 145,472 ang inaprubahan, ayon kay Roque habang binabanggit ang nakalap na datos mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

₱169 milyon naman mula sa karagdagang pondo ang ibinigay na tulong sa 16,230 OFWs. 45, 748 na petisyon para rito ang inaprubahan sa kabuuang 92,555 applications. Tinatayang masusustentuhan ng pondo ang aabot sa 250,000 OFWs.

Samantala, papalo naman aniya sa 50,105 OFWs, na napilitang umuwi ng bansa dahil sa pananalasa ng pandemiya sa buong mundo, ang natulungan makauwi sa kani-kanilang mga lalawigan ayon kay Roque.

Ito ay matapos bigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang linggong deadline ang mga ahensya upang pauwiin ang mga OFWs sa kani-kanilang mga tahanan dahil sa paninikip sa mga quarantine facilities.

Patuloy naman ang pagtugon ng gobyerno sa mga locally stranded individuals (LSIs) sa pamamagitan ng “Balik Probinsya” program, na layuning pauwiin ang mga Pilipino sa lalawigan para maibsan ang panikikip sa Kalakhang Maynila, ang sentro ng kalakalan sa bansa.

Nasa 764 na mga pasahero ang nagbabakasakaling makakakuha ng flight o di kaya ay makaksakay ng bus pauwi ang pansamantalang pinatuloy sa  Villamor Air Base Elementary School at sa Philippine State College of Aeronautics matapos mataklusan ang ilan sa mga ito na nagpapalipas ng gabi sa ilalim ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Expressway.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman aniya ay namahagi ng ₱2,000 na sabsidiya para sa 539 LSIs, ayon kay Roque.

LATEST

LATEST