Roque: Duterte, sinusuportahan ang malayang pamamahayag

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Masugid na tagasuporta aniya si Pangulong Rodrigo Duterte ng malayang pamamahayag ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sabay pagbanggit sa mamamahayag na sinuportahan noon ng pangulo dahil sa kasong libel na isinampa laban dito mula sa katunggali sa pulitika.

Ikinuwento ni Roque kung paano sinuportahan ni Duterte ang Davao-based radio broadcaster na si Alexander Adonis noong inaresto ito bunsod ng reklamong libel na inihain ni noo’y Davao congressman Prospero Nograles.

Ayon sa Center for Media Freedom and Responsibility, nahatulan si Adonis ng apat at kalahating taong pagkakabilanngo noong 2008 alinsunod sa isinampang kaso ni Nograles noong 2001.

Hindi niya aniya kayang depensahan ang sarili sa korte at ginanap ang paglilitis in absentia. Bagama’t lumaya noong 2008, dalawang taon muna itong ikinulong.

Noong Lunes, Hunyo 15, hinatulan ng Manila RTC ng guilty si Rappler CEO Maria Ressa at ang dating mananaliksik ng news site na si Reynaldo Santos Jr. dahil sa kasong cyber libel.

Nahaharap ang dalawa sa anim na buwan at isang araw hanggang anim na taong pagkakakulong. Pinapagbayad din ang mga ito ng P200,000 bilang moral damages at P200,000 bilang exemplary damages sa negosyanteng si Wilfredo Keng.

Gayunpaman, maaari pang iapela ang pagpapasya ng korte.

LATEST

LATEST

TRENDING