Rep. Defensor sa DOH: Tiyaking maayos ang brands ng Covid-19 testing kits

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor

Iminungkahi ni Anakalusugan Party-list Representative Michael Defensor na magkaroon ng isang komprehensibong review para tiyaking tama ang resultang inilalabas ng mga brands ng Covid-19 tests na ginagamit ng Department of Health (DOH) at mga lisensyadong laboratoryo sa bansa.

We’ve gathered that there are some brands of COVID-19 tests that return up to 20 percent false-negative results, which is unacceptable (May natanggap tayong balita na ilang brand ng Covid-19 tests ay naglalabas ng 20% false-negative results, at hindi ito katanggap-tanggap)” ani Defensor.

Nagbabala rin ang mambabatas na baka nasasayang lang ang oras at pondo ng DOH at mga laboratoryo sa paggamit ng mga naturang tests dahil sa mali-maling inilalabas na resulta. Maaari aniya itong magdulot ng kalituhan sa pasyente sa kung ano ba ang tunay na estado ng kanyang kalusugan.

Noong Mayo, nagbabala ang ilang grupong medikal sa bansa sa paggamit ng rapid atibody test kits sa pagtest ng mga empleyado sapagkat maaari itong maglabas ng maling resulta, lalo na sa mga asymptomatic o walang ipinapakitang sintomas.

Inulit ng mga ito ang naunang babala ng DOH at Food and Drug Administration (FDA) hinggil sa posibilidad ng false positive o negative results. Mas makabubuti aniya ang paggamit ng RT-PCR (reverse transcription – polymerase chain reaction detection) test na siyang “gold standard” sa Covid-19 testing sapagkat tama ang resultang inilalabas nito.

Giit ni Defensor, “We are counting on the DOH to track closely the accuracy of all brands of COVID-19 tests – regardless of their country of origin – so that we may be properly guided as to which of them offer the best value for money for long-term use in the country (Umaasa kami sa DOH na titiyaking mapagkakatiwalaan ang mga brands ng Covid-19 tests, saan mang bansa ito magmula, upang hindi masayang ang pondong ipinangbibili sa mga ito).”

Sa huling ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara, ibinuyag nitong aabot sa P95 milyon ang nakuha ng DOH para sa pagbili ng mga RT-PCR kits.

Nanawagan naman si Defensor sa DOH na ilabas ang datos tungkol sa mga tests na inulit bunsod ng maling results, pati na rin ang kabuuang bilang ng isinagawang mga tests simula noong Marso.

LATEST

LATEST

TRENDING