NTF Covid-19 special adviser, dismayado sa DOH tungkol sa pag-uulat ng datos sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Dr. Tony Leachon

Dismayado si Special Adviser to the National Task Force on COVID-19 Dr. Tony Leachon sa Department of Health (DOH) dahil nananatiling hindi malinaw ang inilalabas nitong datos sa pag-uulat tungkol sa bilang ng mga Covid-19 cases sa bansa.

Sa isang panayam, iginiit ni Leachon ang kahalagahan ng pagkakaroon ng real-time at wastong pag-uulat ng mga datos para sa paggawa ng iba’t-ibang mga palisiya tungkol sa Covid-19 response.

Aniya, “You don’t just say those numbers there without explanation whether this is fresh or the deaths were actually from a month ago because based on the decision of the Inter-Agency Task Force on Monday, they will rely on those particular figures. And number two, what must be prioritized given we have finite resources (Hindi mo lang basta na lang ipapakita ang mga numero nang walang kasamang pagpapaliwanag kung ito ba ay fresh deaths o backlogs, kasi dito sasangguni ang IATF sa Lunes para sa kanilang pagpapasya kung ano dapat ang pagbibigyan ng proyiridad ngayong limitado ang pondo)?”

Ayon kay Leachon, walang iniuulat na late cases sa ibang bansa. Kung nagkakaroon man ng backlogs, ito ay agarang inaaayos. Ang dahilan di umano sa pagkaantala ng pag-uulat ng mga datos ay sa kakulangan ng tao sa DOH, isang problemang sana’y puwedeng nalutas aniya noon pa.

“That’s the reason why we suggested at the National Task Force…I report to Sec (Carlito) Galvez with the UP Pandemic Team — tulungan na lang government to government at no cost…para wala kang babayaran,” mungkahi ni Leachon.

Then you have the professors there — mathematicians, epidemiologists who can help the government kasi lahat naman sila e gusto tumulong for the government (Maraming mga propesor, mathematician, at epidemiologist ang nais tumulong sa pamahalaan),” dagdag pa nito.

Nariyan din aniya ang ilang mga dalubhasa at grupo, tulad ni infectious diseases expert Dr. Benjamin Co, ang UP Pandemic Team, ang Asian Institute of Management, at ang Ateneo University, na nagpahayag ng pagnanais tumulong sa pamahalaan upang mabawasan ang pasanin ng DOH.

O, andyan na lahat ng private sector na gusto tumulong so no one will question right now the credibility of the data,” pagbibigay diin ni Leachon.

Sinabi ni Leachon na karamihan sa mga manggagawa ng pamahalaan ay nagtatrabaho ng matino. Gayunpaman, balewala aniya ito kung hindi wasto ang pinagbabasehang datos.

Sang-ayon itong dapat na pagbalansehin ang kalusugan at ekonomiya, subalit dapat aniyang magkaroon ng maayos at tamang datos upang matulungan ang mga ahensya sa pagpapatupad ng mga karampatang programa kontra Covid-19.

You’re like looking for a needle in haystack with your eyes blind (Naghahanap ka ng karayom sa dayami habang bulag), parang ganun e, ganun ang aking feeling. Hindi mo alam kung tama ang ginagawa mo because your data, hindi mo alam kung tama o mali,” wika ni Leachon.

LATEST

LATEST

TRENDING