NCR, mananatili sa GCQ; Lungsod ng Cebu, balik sa ECQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang pag-iral ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila habang ibabalik naman nito ang enhanced community quarantine sa Lungsod ng Cebu hanggang Hunyo 30.

Sa inereng pagpupulong noong Lunes ng gabi, Hunyo 15, inanunsyo ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang mga bagong klasipakasyon ng community quarantine alinsunod sa naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Naging basehan ng mga rekomesdasyon ng IATF ang case doubling rate ng Covid-19 infections at ang critical health care capacity ng bansa.

Bukod sa Kalakhang Maynila, sasailalim din sa GCQ ang Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Bataan, Bulacan, Tarlac, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Occidental Mindoro, Santiago City at Olongapo City.

Sa Visayas naman, iiral ang GCQ sa Bohol, Cebu, Negros Oriental, Siquijor, Mandaue City, at Lapu-Lapu City. Ang Davao City at Zamboanga City naman ang natatanging dalawang lugar sa Mindanao na sasailalim sa GCQ.

Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso sa Cebu City, ibinalik ang pagpapatupad ng ECQ.

The increasing number of new cases and widespread community transmission in majority of barangays in the city, as well as consistent case doubling time of less than seven days and significant increase in critical care utilization against critical care capacity were the reasons cited why Cebu City reverted back to ECQ (Ang pagtaas sa bilang ng mga bagong kaso; paglaganap ng community transmission sa karamihan ng barangay sa lungsod; pagkakaroon ng case doubling time nang di aabot sa pitong araw; at ang pagtaas sa critical care utilization kumpara sa critical care capacity ang mga itinurong dahilan sa pagbabalik ng ECQ sa Cebu City),” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Samantala, ang Lungsod ng Talisay naman, isang component city sa lalawigan ng Cebu, ay isasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa parehong mga dahilan.

Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay mananatili sa modified general community quarantine (MGCQ) hanggang Hunyo 30.

LATEST

LATEST