Marco Polo Davao, magsasara na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: MindaNews

Nagpasya ang una at nag-iisang five-star hotel sa Mindanao, ang Marco Polo Davao, na tuluyan nang ipinid ang mga pinto nito at mamaalam.

Inanunsyo ng hotel noong Mayo ang pagtitigil-operasyon dahil lubos itong naapektuhan sa pagkalugi ng industriya ng turismo bunsod ng Covid-19 pandemic. Sa pagsasara ng hotel, halos 300 na empleyado ang nawalan ng hanapbuhay.

Ayon sa pamunuan, ibibigay nito ang pangangailangan ng mga empleyado habang kaya pa, sabay pagpapasalamat sa mga ito na tumulong sa pagtataguyod ng hotel sa loob ng 22 taon.

“Yes, nabayaran na lahat ang aming mga associates noong May 7-8 and we are so proud of our associates. They’re like selling their own homemade specialty dishes, doing delivery services of essential goods and others went back to their hometown (Nagbebenta sila ng mga homemade na putahe, nagdedeliver ng ilang mga produkto, ang iba naman ay nag-siuwian sa kani-kanilang mga lalawigan),” wika ni Pearl Peralta-Maclang, pinuno ng sales at marketing ng Marco Polo Davao.

Pagpapailaw ng gusali ang naisip na paraan ng pamunuan ng Marco Polo Davao bilang pasasalamat sa komunidad at sa kanilang business partners.

On behalf of Marco Polo Davao, I would like to say that Marco Polo Davao is grateful to all its guest, clients, associates, media, friends, business partners, community and everyone for that matter, who have been supportive and been part of Marco Polo Davao for 22 years (Nais kong sabihin na lubos na nagpapasalamat ang Marco Polo Davao sa lahat ng mga naging bisita, kliyente, kasosyo, media, kaibigan, business partners, komunidad, at sa lahat ng naging kabahagi ng Marco Polo Davao sa nakalipas na 22 taon),” pahayag ni Maclang.

Bagama’t nagtigil-operasyon na, mananatili pa ring “Heart of Davao” ang hotel para sa mga empleyado nito at sa mga residente ng Davao.

LATEST

LATEST

TRENDING