Bagong credit rating ng bansa, manipestasyon aniya sa katatagan ng ekonomiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Kinilala ng Malacañang noong Hunyo 15 ang pag-upgrade ng Japan Credit Rating (JCR) Agency Ltd.’s (JCR) sa credit rating ng bansa mula BBB+ hanggang A- na may kasamang “stable outlook” sa gitna ng pagbabadya ng krisis pang-ekonomiya sa buong mundo dahil sa Covid-19 pandemic.

This recognition by Japan’s leading credit agency is an affirmation of the international community’s faith in our economic strength and resilience amid the worst global downturn in nearly a century (Ang pagkilala ng nangungunang credit agency sa Japan ay patunay sa kanilang tiwala sa katatagan ng ekonomiya ng Pilipinas sa gitna ng pandaigdigang krisis),” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Mula sa inaasahang pagbagsak ngayong taon, tinatayang nasa 6% hanggang 7% ang bilis ng pagbangon ng ekonomiya sa medium-term ayon sa JCR.

Ang bagong credit rating ay makatutulong di umano sa bansa sa kakayanan nitong kumuha ng mga loans na may mababang interes upang mapondohan ang mga programa ng pamahaalan kontra Covid-19.

“Dahil nga mabuti po ang ating credit rating, ibig sabihin mas mababa po ang interest na mauutang natin at yun uutangin natin ay magagamit natin hindi lang para sa ayuda kung hindi para sa ating response sa Covid-19,” ani Roque.

Ayon kay Roque, ang bagong credit rating ng bansa ay dahil sa mga inilunsad na hakbang ng economic team ng pangulo sa pangunguna ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III.

We thank our economic team, lalo na Secretary Dominguez for their initiatives, including reforms that help weather the pandemic and steer the economy towards the new normal (Pinasasalamatan natin ang ating economic team lalo na si Secretary Dominguez para sa kanilang mga inisyatiba, kabilang ang ilang repormang tumutulong sa bansa sa kabila ng pandemiya upang akayin ang eknomiya patungo sa new normal),” wika ni Roque.

Ayon naman kay Dominguez, lahat ng ito ay dahil sa matatag na liderato ng pangulo at ang pagtutulungan ng Gabinete, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at mga mambabatas.

Ipinihayag din ng JCR na nakadagdag sa bagong credit rating ng bansa ang matatag na sistema ng domestic banking sa bansa na nakapagtala ng capital adequacy ratio (CAR), isang batayan ng financial health, na 15 %.

Kinilala din nito ang external debt balance, na kasalukuyang nasa 22.2% ng domestic output at ang mataas na gross international reserves (GIR), na nasa USD 90.94 bilyon sa dulo ng Abril.

JCR holds that the country will show its high resilience even when global risk-off moves would be triggered again by a second wave of Covid-19 pandemic (Nakikita ng JCR na magiging matatag ang Pilipinas kahit na magkaroon ng pangalawang bugso sa Covid-19 pandemic),” pahayag ng JCR.

LATEST

LATEST