42,000 katao, bibigyan ng trabaho ng Lungsod ng Davao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

Namigay ng oportunidad sa pamamagitan ng emergency employment ang Lungsod ng Davao para sa mga residente nito upang matulungan silang kumita sa kalagitnaan ng Covid-19 pandemic na nakaapekto sa lokal na ekonomiya ng lungsod.

Inanunsyo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na 42,000 katao ang bibigyan ng trabaho sa ilalim ng proyektong “Work For Davao”. Sila ay magtatrabaho nang 10 araw at bibigyan ng arawang sahod na Php 396.

Aniya, “This is an emergency employment cash for work na trabaho para sa mga tao nga na retrench for the lay-off or nagsirado ang office or business (Ito ay emergency employment para sa mga taong na retrench dahil sa pagsasara ng pinapasukang negosyo o opisina)”.  

Simula nang umiral ang community quarantine noong Marso, aabot sa 10,133 na mga negosyo sa Davao Region ang napilitang magsara dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic, batay sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 11.

Bukod sa emergency employment project, magbibigay din ang lokal na pamahalaan ng educational assistance para sa pamilya ng mga mag-aaral na bumaba ang kita bunsod ng pandemiya.

 “[Ang] Eskwela Davao, kini is an educational assistance project sa mga anak sa mga reduced og income. Wala sila nawalaan og trabaho, pero na reduce ang ilang income tungod sa Covid-19 (Ang Eskwela Davao ay isang educational assistance project para sa mga anak ng pamilyang nakaranas ng pagbaba sa kita. Hindi sila nawalan ng trabaho, subalit nabawasan ang kanilang kita dahil sa Covid-19),” ani Mayor Duterte-Carpio.

Ayon sa alkalde, mga estudyante sa kindergarten, elementary, high school at senior high school ang makakakuha ng mga benepisyo mula sa naturang educational assistance program.

LATEST

LATEST

TRENDING