US, magbibigay ng gamot at bakuna kontra Covid-19 sa Pilipinas sakaling dumating na ito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Magpapaabot ng bakuna at gamot kontra Covid-19 sa Pilipinas ang Estados Unidos sakaling magkakaroon na nito. Ito ang ibinalita ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenza matapos silang mag-usap ni US Secretary of Defense Mark Esper noong Hunyo 12.

Secretary Esper mentioned that developments on vaccines and therapeutics in the US are making very good progress and expressed their willingness to share them with US allies and partners once available (Binanggit ni Secretary Esper na maganda ang resulta ng mga dini-develop na bakuna at gamot sa US at nais nitong ipaabot ang mga ito sa Pilipinas at iba pang mga kaalyado kapag dumating na ang mga ito),” pahayag ng DND.

Nagpasalamat naman ang kalihim sa tulong na ibinigay ng US sa pamamagitan ng mga donasyon ng medical supplies.

Kinilala naman ni Esper ang pagsuporta ng DND sa pagpapasya ng pamahalaan na isuspinde muna ang terminasyon ng “Visiting Forces Agreement” sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

Nagpulong din ang dalawang kalihim tungkol sa ang iba’t-ibang estratehiyang isasagawa bilang pagtugon sa sigalot sa West Philippine Sea kabilang ang counter-terrorism, at logistics cooperation, partikular na sa capability upgrades ng Armed Forces of the Philippines.

Both sides committed to sustain dialogues amidst the pandemic and strengthen cooperation between the two defense establishments (Nagkasundo ang dalawang panig na panatilihin ang pag-uusap sa gitna ng pandemiya at patatagin ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang kagawaran),” ani DND.

LATEST

LATEST

TRENDING