Rappler CEO Maria Ressa, guilty sa kasong cyber libel

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Aaron Favila (AP Photo)

Nahatulang guilty ng Manila Regional Trial Court Branch 46 si Rappler CEO Maria Ressa at dating mananaliksik ng news site na si Reynaldo Santors Jr. para sa kasong cyber libel noong Lunes, Hunyo 15. Ito ang unang hatol sa ilang kasong isinampa sa kay Ressa at sa Rappler.

Si Ressa at Santos ay nahaharap sa anim na buwan at isang araw hanggang anim na taong pagkakabilanggo. Nananatiling malaya naman ang dalawa matapos makapag-piyansa.

Pinagbayad din ang dalawa ng P200,000 moral damages at P200,000 exemplary damages sa negosyanteng si Wilfredo Keng. Wala namang layabilidad sa korte ang Rappler.

Ayon naman sa pahayag ni Ressa matapos ang ilabas ang kapasyahan, “This is a pivotal moment for the Philippines, and a pivotal moment not just for our democracy but for the idea of what a free press means (Isa itong malaking pangyayari para sa bansa, pati na rin sa demokrasya at ang ideya kung ano nga ba ang ibig sabihin ng malayang pamamahayag).”

Dagdag pa, “I think we’re redefining what the new world is gonna look like, what journalism is going to become. Are we going to lose freedom of the press, will it be death by a thousand cuts, or are we going to hold the line so that we protect the rights that are enshrined in the Constitution even if power attacks you directly (Binabago nito kung ano ang magiging hinaharap sa mundo ng pamamahayag. Mawawala ba ang kalayaang magpahayag, mamatay ba tayo, o patuloy nating ilalaban ang ating mga karapatan kahit na tayo ay inaatake ng mga makapangyarihan)”.

Naglabas din ng pahayag ang Rappler tungkol sa hatol at inilarawan ito bilang “failure of justice and democracy (pagbaksak ng hustisya at demokrasya)” kung saan nagtatakda ito aniya ng malagim na senyales hindi lamang para sa mga mamahayag kundi pa rin sa mga ordinaryong netizens.

Aniya, “Today marks diminished freedom and more threats to democratic rights supposedly guaranteed by the Philippine Constitution, especially in the context of looming anti-terrorism law (Ngayong araw, nabawasan ang ating kalayaan at lumaganap ang banta sa ating mga demokratikong karapatang ibinigay ng Saligang Batas, lalong lalo na sa nagbabaydang pagsasabatas ng Anti-Terrorism Law”.

Inilibas ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ang hatol nang hindi umabot nang isang taon mula noong umpisahan ang paglilitis. Naunang itinakda ang paghahatol noong Abril.

There is no curtailment of the right to freedom of speech and of the press (Walang pagsupil sa karapatan ng pananalita at malayang pamamahayag,” ani Judge Estacio-Montesa.

Each person, journalist or not has that constitutionally guaranteed right to freely express, write and make known his opinion. But with the highest ideals in mind what society expects is a responsible free press. It is in acting responsibly that freedom is given its true meaning (Bawat tao, mamahayag man o hindi, ay malayang makapagpahayag ng opinyon. Subalit, kaakibat nito ang isang responsableng free press. Sa pagiging lamang responsable nakukuha ang tunay na kahulugan ng kalayaan sa pamamahayag),” pagbibigay linaw nito.

Sinampahan ng kasong cyber libel sina Ressa, Santos, at ang Rappler noong Enero 2019 bunsod ng inilathalang artikulo noong 2012 kung saan inilabas ang impormasyong nagmula aniya sa “intelligence report” na ang negosyanteng si Wlifredo Keng ay sangkot di umano sa human trafficking and drug smuggling. 

Noong inilabas ang naturang artikulo, hindi pa naisasabatas ang Anti-Cyber Law, ang batas na nilabag ng mga suspek. Ayon sa mga prosecutor, saklaw sa batas ang “republished” na bersyon ng artikulo na inilabas noong Pebrero 2014.

Umalma naman ang mga abogado ng Rappler mula sa Free Legal Assistance Group (FLAG), at sinabing ang “multiple republication” ay hindi pupuwede sa online media. Ang bagong istorya noong 2014 ay isang “spelling correction” lang aniya.

Iginiit ng FLAG na walang kinalaman si Ressa at Santos sa sinabing republishing. Ipinakita rin ng mga abogado na walang layabilidad ang Rappler, Inc., isang corporate entity, sa mga isinampang kaso.

Nahaharap din ang Rappler at si Ressa sa hiwalay na kaso ng tax evasion at paglabag sa Anti-Dummy Law kung saan inilarawan niya ito bilang harassment sa kanya at sa Rappler.

LATEST

LATEST

TRENDING