Noong gabi bago ipagdiwang ng Pilipinas ang ika-122 nitong Araw ng Kalayaan, nag-usap sa telepono sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Natanggap ni Duterte ang tawag ni Xi noong Huwebes ng gabi, Hunyo 11, sa Malacañang South Guest House here. 38 minuto ang itinagal ng pag-uusap.
Nangyari ang pagtawag ni Xi ilang araw matapos markahan ng dalawang bansa ang 45 taong diplomatic relations. Tinalakay ni Duterte at Xi ang kani-kanilang mga progreso, ginawang hakbang, at mga pagkukulang sa pagtugon sa Covid-19 pandemic.
Binati ni Xi si Duterte at tiniyak na mabibigyang prayoridad ang mga Pilipino sa distribusyon ng bakuna kontra Covid-19 kung magkaroon na nito nito sa China.
Isa ang China sa mga bansang sumusubok na makatuklas ng bakuna kontra Covid-19.
Ayon sa Malacañang, binanggit din ni Duterte kay Xi ang pakikipagkooperasyon para sa research trials para sa bakuna ng Covid-19 at ang kahalagahan na maibahagi ito sa mga mahihirap na bansa.
“President Duterte received President Xi’s full support on ensuring supply chain connectivity, particularly in critical medical supplies and equipment, promoting the free flow of goods and resuming and completing priority infrastructure cooperation projects in the Philippines (Natanggap ni Pangulong Duterte ang buong pagsuporta ni Pangulong Xi sa pagtiyak sa daloy ng supply chain, partikular na ang mga medical supplies at equipment, pagsulong ng malayang kalakalan, at ang muling pagbabalik-operasyon ng mga proyektong pang-imprastraktura sa bansa),” ani Robert Borje, Presidential Assistant on Foreign Affairs at Chief of Presidential Protocol.
Samantala, isang “expert panel” naman na pinangungunahan ng Department of Science and Technology (DOST) ang nakikipag-ugnayan sa limang Chinese at Taiwanese na institusyon para sa posibleng kolaborasyon sa pag-develop ng bakuna panlaban sa Covid-19.
“We have been authorized by the IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases) to negotiate vaccine trials collaboration with them (Pinayagan kami ng IATF-EID na makipagkolaborasyon sa vaccine trials kasama sila),” wika ni DOST Secretary Fortunato dela Peña.
Ang mga institusyong ito ay ang Chinese Academy of Sciences, Sinopharm, Sinovac Biotech, Academia Sinica at AdImmune.