Mga stranded na pasahero sa NAIA, patuloy pa ring naghihintay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: ABS-CBN News

Kalbaryo ang dinaranas ng ilang mga pasaherong nagnanais na makauwi sa kani-kanilang mga lalawigan dahil sa kawalan ng mga provincial flights. Ang ilan sa mga ito ay napilitang sumilong na lamang sa ilalim ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) expressway nang ilang araw dulot ng mga nakanselang flights.

Si Esmael, 26, ay natatrabaho bilang construction worker sa Lungsod ng Pasay. Dumating siya sa NAIA noong Hunyo 10 para magbakasakaling makakauha ng flight at makauwi ng Maguindano.

“Nu’ng may narinig kami dito na lahat ng stranded, na may ticket at hindi nakaalis, sabi nila papauwiin daw. Nagpunta kami du’n sa Terminal 3, sa baba ng skyway. Tapos pinalipat kami dito kasi dito daw ang safe”, ani Esmael.

Si Lowella naman, 23, ay nagbabalak sanang pumunta ng Saudi Arabia para maging domestic helper. Subalit nagpasya na lamang itong umuwi nang maabutan ng lockdown.

Aniya, “Nag-back out na lang po ako kasi sabi nila na-lockdown. June 9 sana ang flight namin pabalik ng probinsiya. Tapos na-cancel. Nag-aantay kaming maka-tiyempo na magka-flight kami ulit. Hanggang ngayon, nandito pa rin kami. Nag-aantay pa rin kami kung kelan kami magkaka-flight ulit”.

Sa Krisjane, 27, ay papunta na sana ng Qatar para magtrabaho bilang domestic helper kaso naudlot ito dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic. Dati siyang nagtrabaho sa Kuwait bilang domestic helper noong 2017 hanggang 2019. Sa pagdating niya sa NAIA noong Hunyo 11, sinabi nitong apat na beses na raw nakansela ang kanyang flight pauwi ng Davao.

Giit niya,  “Gusto na nila akong makauwi, ganito nga ang nangyari, lockdown. Paano makakauwi? Sana makauwi na kami kasi nahihirapan na kami dito, mag-four months na kami dito sa Maynila. Mahirap ang buhay dito, sa amin pa ang lahat ng gastusin”.

Samantala, nagpaabot naman ng tulong sa mga stranded na pasahero ang Philippine National Police Aviation Security Group noong Hunyo 12 sa mga pasaherong namalagi sa ilalim ng expressway.

Sila ay binigyan ng pansamantalang matutuluyan ng mga pulis at coast guard sa isang temporary shelter sa Villamor Elementary School sa Pasay City matapos pumutok ang balitang pagkamatay ni Michelle Silvertino, na nasawi habang naghihintay ng bus pauwi sa loob ng limang araw.

LATEST

LATEST

TRENDING