Konsehal sa Davao del Sur na naaktuhang nagshashabu, tiklo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Timbog ang isang konsehal ng Kiblawan, Davao del Sur matapos mahuling nagshashabu sa Lungsod ng Davao noong Hunyo 13.

Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), hinuli nila si Councilor Cipriano Sarona at tatlong kasamahan nito sa Bankerohan Public Market sa sDavao City.

The suspects were apprehended while sniffing shabu inside a half opened store in Bankerohan rented by Sarona (Hinuli ang mga suspek habang nagshashabu sa isang bukas na tindahan sa Bankerohan na nirerentahan ni Sarona),” pahayag ni DCPO chief Police Colonel Kirby John Kraft.

Dagdag pa, “This is a sad note for us because there are still government officials who were arrested due to illegal drugs (Isa itong nakakalungkot na pangitain sapagkat may mga opisyal pa rin ng pamahalaan na inaaresto dahil sa iligal na droga).”

Nasa Lungsod ng Davao aniya si Sarona para mag-suplay ng mangga sa Bankerohan nang magsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga operatiba ng San Pedro Police Station sa naturang lugar.

Isa umanong high value target si Sarona at kabilang ito sa drug list ng DCPO.

Ang dalawa namang kasamahan nito ay kinilala bilang si Archie Fritz Truya at Butch Amarillo. Nasabat din sa mga ito ang ilang shabu at illegal drug paraphernalia, ayon sa pulis.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

LATEST

LATEST

TRENDING