Napakinabangan ng pamahalaang lokal ng Itogon, Benguet ang nasabat na 40 kahon ng alak, na ibinibenta sa mga sari-sari store sa kasagsagan ng liquor ban, bilang disinfecting solution.
Ito ang naisip na paraan ng alkaldeng si Mayor Victorio Palangdan upang hindi masayang ang naturang mga alak.
Kanila itong pinanglinis ng municipal grounds.
Iginiit naman ng alkalde na patuloy pa rin ang pag-iral ng liquor ban sa kanilang munisipalidad.
Bagama’t napakinabangan, hindi pa rin malinaw kung epektibo ba ang mga alak bilang bilang disinfectant.