Ekonomiya o kalusagan? Pagpapasya ni PRRD sa community quarantine, inaabangan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Muling nahaharap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mabigat na pagdedesisyon kung ipagpapatuloy nito nang dalawa pang linggo ang general community quarantine (GCQ) o di kaya ay ibabalik ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba pang lugar.

Kinakailangang pagtimbangin ng pangulo ang muling pagbubukas ng ekonomiya at pagtiyak sa kalusugan ng mga Pilipino sapagkat walang guguguling pondo bilang pagtugon sa mga programa kontra Covid-19 kung mananatiling paralisado ang ekonomiya.

Sang-ayon din si Presidential Spokesperson Harry Roque sa pananaw na ito at iginiit na malabo pang sumailalim sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) ang Kamaynilaan at iba pang mga GCQ areas dahil sa pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa nakalipas na dalawang linggo.

Bukod sa Kalakhang Maynila, umiiral din ang GCQ sa Central Luzon, Cagayan Valley, Calabarzon, Central Visayas, Pangasinan, Zamboanga at Davao City.

There is a recommendation already. We can see, I can say that the numbers did not decrease in Metro Manila and Cebu City.  But whatever the next move would be, it will be up to the President (May rekomendasyon na. Subalit, hindi bumaba ang mga kaso sa Metro Manila at Cebu City. Kung anuman ang susunod na hakbang, ang pangulo na ang magpapasya),” ani Roque.

Tatlo lamang ang opsyon para sa Metro Manila at iba pang GCQ areas sa ngayon: muling ibalik ang MECQ; panatilihin ang GCQ; o ibaba sa MGCQ.

Subbalit, hindi aniya inirerekomeda ang MGCQ sa ngayon batay sa mataas na kaso ng Covid-19 ayon kay Roque.

We are at a point where we cannot allow people not to pursue their livelihood. So, what we have been preparing for is to improve our capacity to treat those who will get sick, which we have done now. But this should not be a reason for the people to gather together and neglect social distancing measures (Nasa punto tayong hindi puwedeng pagbawalan ang tao na hindi makapaghanapbuhay. Ang tamang hakbang sa ngayon ay paigtingin ang ating kapasidad na manggamot. Hindi rin ito ang tamang panahon upang muling magtipon-tipon at iwasan ang social distancing),” pagbibigay diin ni Roque.

Binanggit din ni Roque na doble-kayod si Finance Secretary Carlo Dominguez III upang kumalap ng karagdagang pondo para pondohan ang mga programa ng pamahalaan kontra Covid-19.

Bagama’t may mga pautang mula sa mga financial institutions, hindi pa konkreto di umano ang mga kasunduan. Nangangamba rin ang bansa sa posibleng mataas na interes mula sa pangungutang ng pera kahit na may mataas na credit rating ang Pilipinas.

Tungkol naman sa usaping paghingi ng supplemental budget sa Kamara, sinabi ni Roque na hindi ito maibibigay hangga’t walang tiyak na mapapagkukunan para sa nasabing supplemental budget.

Aniya, “So you understand what’s happening now on the side of Congress and the Executive, you’ll only have a supplemental budget if there is certification from the National Treasurer that we have adequate sources of funds (Upang maunawaan niyo kung ano ang nangyayari sa Kongreso at Ehekutibo, magkakaroon lamang ng supplemental budget kung may katibayan mula sa National Treasurer na may sapat tayong pondo)”.

Itinnggi naman ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na social media posts na ibabalik ang ECQ ang Metro Manila at Cebu City sa susunod na linggo. Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire, antayin na lang ang opisyal na anunsyo ng pagulo.

LATEST

LATEST

TRENDING