E-commerce, patuloy ang pag-arangkada bilang bahagi ng “new normal”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ipinahayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang kahalagahan ng e-commerce bilang katuwang sa muling pagbangon ng ekonomiya sa ilalim ng “new normal”.

Ito ay matapos umusbong ang iba’t-ibang online businesses simula noong Marso 15 kung saan nag-umpisa ang lockdown. Ayon kay Andanar, ang digitalization ng mga negosyo bilang platform para sa pagbebenta ng iba’t-ibang mga produkto ay lalago pa sa pagtransisyon ng bansa mula general community quarantine (GCQ) patungo sa modified general community quarantine (MGCQ).

Subalit, nagbabala si Andanar na kailangang panatilihin pa rin ang ibayong pag-iingat sa pagtransisyon ng bansa sa mas magaang community quarantine protocols.

Suportado rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga bagong nagsusulputang mga online businesses. Sa katunayan, inilunsad nito ang proyektong “Making Your Business Digital” para hikayatin ang taumbayan sa online business.

Pinaalalahanan naman ni DTI Secretary Ramon Lopez ang mga online seller na sumunod ang mga ito sa price tag law.

Aniya, “That is part of consumer protection. For example, as a consumer who buys online, make sure that the products you would buy would have the same specs and quality as indicated in the online selling (Bahagi ito ng consumer protection. Halimbawa, nais ng mamimili online na ang makukuha niyang produkto ay pareho nang produktong nakita niya online).”

Maaaring magsumbong ang mga mamimili tungkol sa paglabag sa kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng pagtawag sa DTI hotline na 1384.

So, the same protection is being granted by the Department of Trade and Industry to our consumers… this is the sector that will continue to grow as we grow, the e-commerce. Moving forward, we expect the e-commerce transactions to go up to even about 80 percent of future transactions (Parehong proteksyon ang binibigay ng DTI sa ating mga consumers… ito ang sektor na patuloy ang pag-unlad kasabay natin, ang e-commerce. Inaasahan nating aabot sa 80% ng ating mga transakyon sa hinaharap ay mangyayari sa e-commerce,” ani Lopez.

LATEST

LATEST