DOJ, magsusumite ng komento hinggil sa Anti-Terror Bill sa Palasyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Inatasan ang Department of Justice (DOJ) na magsumite ng review sa Office of the President tungkol sa Anti-Terror Bill sa Hunyo 17, ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra.

We’ll review the proposed anti-terrorism bill as independently and objectively as possible, with only the security of the nation and the civil and political rights of the people in mind (Malinis at maayos naming susuriin ang anti-terrorism bill, at tanging ang seguridad ng bansa kasama na ang mga karapatang pantao ang pagbabasehan namin),” ani Guevarra said.

Nag-umpisa ang pagsuri ng DOJ sa bill noong Hunyo 6, habang hindi pa naipapadala sa Palasyo.

Noong Hunyo 9, isinumite na ng Kongreso sa Malacañang ang enrolled bill bagama’t ilang mga mambabatas ang nagbago ng isip at ninais na bawiin ang kani-kanilang mga boto. Mayroong 30 araw ang pangulo kung pipirmahan o tatanggihan ang bill bago ito maging ganap na batas.

Kung maisasabatas ang nasabing bill na naunang sinertipikahang “urgent” ni Duterte, papalitan nito ang Human Security Act of 2007, sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang surveillance powers sa mga awtoridad.

Nagpahayag ng agam-agam ang mga kritiko dahil baka gamiting sandata aniya ito ng gobyerno upang maabuso ang mga karapatang pantao.

Isa sa mga kontrobesryal na probisyon ng bill ay ang pagpapahintulot sa pag-detain ng mga sinususpetsahang terorista nang aabot sa 24 araw kahit walang arrest warrant.

Sa ilalim ng panukala, posible ring makapaglunsad ng surveillance ang mga awtoridad sa mga pinaghihinalaang suspek nang aabot ng 90 araw.

Sa kasalukuyang batas, hanggang tatlong araw lamang ang detention ng mga inaresto na walang warrant of arrest, habang hanggang 30 araw lamang ang surveillance.

Iginiit naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na handa ito at ilang mga kaalyado na maghain ng petisyon sa Korte Supreme upang kwestyunin ang konstitusyonalidad ng Anti-Terrorism Act.

Ayon sa mambabatas, baka malagay sa alanganin ang mga progesibong grupo na nakararanas ng “red-tagging” mula sa mga awtoridad kung maisasabatas ang Anti-Terror Bill.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi palisiya ng pamahalaan ang red-tagging sabay pagtanggi sa isang ulat na inilabas ng United Nations’ Human Rights Office tungkol sa mga pang-aabuso ng administrasyong Duterte.

Sinabi nitong sasailalim sa review ang nasabing bill at iginiit na hindi awtomatikong kabilang sa depenisyon ng terorista ang mga kritiko.

LATEST

LATEST

TRENDING