Paggawa ng bike lanes sa EDSA, aarangkada sa Hunyo 13

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Boy Santos (Philstar)

Nakatakdang umpisahan ang paggawa ng mga protected bicycle lanes sa EDSA simula Hunyo 13, Sabado, ayon sa ilang opisyal ng pamahalaan.

Napagkasunduan nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at ng Metro Manila Development Authority (MMDA), sa pangunguna ni chairman Danny Lim, ang paggawa ng mga naturang bike lanes.

Binilisan aniya ang pag-abrupa sa panukalang ito sapagkat marami nang tao ang gumagamit ng bisikleta bilang transportasyon ngayong panahon ng pandemiya.

Ang mga bike lanes ay gagawin sa mismong kalsada at hindi sa sidewalks. Dalawang bugso ang paggawa nito – interim phase at long term phase.

Our goal is to move people while making sure of their safety (Layunin nating mapagalaw ang tao habang tinitiyak ang kanilang kaligtasan),” ani Tugade.

Idinagdag ni Lim na 1.5 metro ang lapad ng mga bike lanes para sa mga siklista.

Naunang binalaan ng MMDA ang isang bike group na baka pagmultahin ito dahil sa obstruction bunsod ng paggawa nito ng temporary bike lane sa Commonwealth, Quezon City.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celina Pialago, ipinagbabawal ang paglalagay ng mga marka sa daan nang walang pahintulot mula sa ahensya.

LATEST

LATEST

TRENDING