NBA, inaprubahan ang planong ipagpatuloy ang naudlot na season sa 22 koponan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Inaprubahan ng NBA Board of Governors ang panukalang muling pagbubukas ng season bagama’t limitado lamang sa 22 teams ang lalahok.

Three-fourths ng 30 NBA teams ang kinakailangang sumang-ayon sa mungkahing ito upang ganap na maisakatuparan.

Sa ilalim ng bagong plano, 13 Western Conference teams at siyam na Eastern Conference ang maglalaro sa walong “seeding” games upang matiyak ang seeds sa playoffs. Pagkatapos, pitong teams sa bawat conference na may pinakamahusay na record sa parehong regular season games at seeding games ang makalalahok sa playoffs.

Ang top eight teams sa magkabilang conferences ang magiging bahagi ng maglalarong 22 teams, ayon sa NBA. Ang natitirang anim na teams ay mapapabilang sa anim na laro sa ika-walong posisyon.

Kabilang sa 22 na koponang lalahok ay ang: Milwaukee Bucks, Toronto Raptors, Boston Celtics, Miami Heat, Indiana Pacers, Philadelphia 76ers, Brooklyn Nets, Orlando Magic and Washington Wizards, Los Angeles Lakers, Los Angeles Clippers, Denver Nuggets, Utah Jazz, Oklahoma City Thunder, Houston Rockets, Dallas Mavericks, Memphis Grizzlies, Portland Trail Blazers, New Orleans Pelicans, Sacramento Kings, San Antonio Spurs at Phoenix Suns.

Itinakda ang restart sa Hulyo 31, ayon sa NBA, at magtatapos naman ang NBA Finals nang hindi aabot ng Oktubre 12. Sa Oktubre 15 balak ganapin ang NBA Draft. Samantala, ang 2020-21 season ay mag-uumpisa sa Disyembre 1 – mas matagal ng dalawang buwan sa mga nagdaang taon.

Subalit, nakadepende pa ang lahat ng mga planong ito sa isang kasunduan ng NBA sa Disney upang gamitin ang Walt Disney World Resort na malapit sa Orlando, Florida, sa lahat ng laro, practices at housing.

Noong Marso 11, sinuspinde ng NBA ang season matapos magpositibo sa Covid-19 ang isang manlalaro mula Utah Jazz.

Naunang iniulat sa ESPN na sasailalim sa arawang testing ang mga basketbolista ng NBA upang matiyak ang kaligtasan sa Covid-19. Sakaling may magpositibo, siya ay tatanggalin sa paglalaro upang magamot.

LATEST

LATEST

TRENDING