Emilio Aguinaldo, napagkamalang si Andres Bonifacio sa programa ng PTV-4

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Humingi ng tawad ang pampublikong istasyong PTV-4 noong Hunyo 12 matapos ipakita ang larawan ni Pangulong Emilio Aguinaldo na may pangalang “Andres Bonifacio” sa Independence Day coverage ng network.

Sa isang pahayag, sinabi ng PTV-4 na naiwasto na ang pagkakamali sa video at i-uupload ito sa social media platforms nito.

Aniya, “The said error was already corrected and the revised version will be uploaded in the Network’s social media pages (Naitama na ang pagkakamali at i-uupload ang bagong bersyon sa social media pages ng Network).”

We sincerely apologize for this mistake. Rest assured that under the new PTV Management, necessary training and skills development will be initiated to avoid similar inaccuracies. We hope for your understanding on this matter (Humihingi kami ng sinserong paumanhin para sa pagkakamaling ito. Makakaasa kayo na sa bagong PTV Management, magpapatupad ng training at skills development upang hindi na maulit ang ganitong insidente),” dagdag pa ng network.

LATEST

LATEST

TRENDING