Duterte, pinasalamatan ang hari ng Bahrain sa pagpapalaya ng 2 OFWs

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte (kaliwa) at King Hamad Bin Isa Al Khalifa ng Bahrain (kanan)

Pangulong Rodrigo Duterte, malugod na tinanggap ang paggawad ng royal pardon mula sa Kingdom of Bahrain para sa dalawang overseas Filipino workers (OFW).

Sa isang pahayag na inilabas ng Office of the President, pinasalamatan ni Duterte ang hari ng Bahrain na si King Hamad Bin Isa Al Khalifa sa pagpapaabot ng pardon kina Roderick Aguinaldo at Edward Benjamin Garcia.

Parehong nakauwi na ng bansa sina Aguinaldo at Garcia. Ikinulong sila sa Bahrain dahil sa pagkakasangkot sa pagkamatay ng isang banyaga. Ilan lamang sila sa 16 Pilipinong ginawaran ng pardon ng hari noong Mayo.

The President considers the Royal pardon a testament to the deep ties between the Republic of the Philippines and the Kingdom of Bahrain and to the strong friendship with His Majesty King Hamad Bin Isa Al Khalifa (Itinuturing ng Presidente ang Royal pardon bilang patunay sa malalim na samahan sa pagitan ng Republika ng Pilipinas at ng Kaharian ng Bahrain at sa matatag na pakikipagkaibigan kay Haring Haman Bin Isa Al Khalifa),” pahayag ng Office of the President.

LATEST

LATEST

TRENDING