Dingdong Dantes, maglulunsad ng delivery app; mga katrabahong nawalan ng hanapbuhay, kukuning riders

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Inanunsyo ng aktor na si Dingdong Dantes na maglulunsad ito ng delivery app na tatawaging “Ding Dong PH”.

Ginanap ito sa isang during a “Fireside” live chat kasama ang iba pang mga celebrities tulad nina Rico Blanco, Matteo Guidicelli, Nico Bolzico, at Drew Arellano. Bagama’t hindi nagbigay ng detalye, ibinunyag naman ni Dantes kung ano ang naging inspirasyon niya para rito.

Ikinuwento ni Dingdong ang ilang problemang naranasan nila ng aktres at asawang si Marian Rivera sa flower business nito katulad ng pagskasira ng item o di kaya ay pagkakamali ng pinapadalhan ng delivery. Kaya naman nagvolunteer si Dingdog gamit ang kanyang scooter upang maihatid ang mga delivery ni Marian.

“Doon nagsimula ‘yung idea, at lumawak na lang siya. In the past weeks, after talking with friends who share the same vision and passion, an idea was developed, hence the birth of Doorbell Technologies (Noong mga nagdaang linggo, matapos makipag-usap sa mga kaibigang may kaparehong pananawa, nabuo ang Doorbell Technologies),” ani Dantes.

Dagdag pa niya, “This pandemic became a game-changer para sa akin, pati sa bahay namin, pati sa buhay namin. As many people know, this also became an equalizer, it leveled the playing field. Pero it has crushed and damaged some industries; it paved the way for some to flourish (Sa mga nakakaalam, nagdulot din ito ng maraming oportunidad. May mga nasirang industriya; mayroon namang mga umusbong).”

Nais ding kunin ni Dantes bilang mga rider ang ilang mga katrabaho sa industriya ng showbiz na nawalan ng hanapbuhay sa pananalasa ng Covid-19 pandemic.

Aniya, “Kung gagawa ako ng isang bagay, gusto ko klaro ang kaniyang social impact… ‘Yung inspiration also behind this is the fact that I have several workmates who lost their jobs in the entertainment industry”.

“To reveal one part of that old ecosystem. ‘Yung riders na gagamitin natin, ‘yung nawalan ng trabaho dito sa industriya namin,” giit nito.

LATEST

LATEST

TRENDING