Juana Change, nag-ala Debold Sinas sa “Grand Mañanita” rally

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Artista at aktibistang si Mae Paner, o mas kilala bilang Juana Change

Sa pagdaraos ng tinaguriang “Grand Mañanita” protest noong Araw ng Kalayaan sa University of the Philippines (UP) Diliman campus, isang pamilyar na personalidad ang nakilahok sa rally.

Ang artista at aktibistang si Mae Paner, na mas kilala bilang Juana Change, ay nag-ala Metro Manila Police Chief Debold Sinas — kasama ang pagpapakalbo ulo at pagbitbit ng ilang piraso ng rosas.

Hango ang pangalang “Grand Mañanita” sa ginanap na birthday celebration ni Sinas kasama ang ilang pulis noong nakaraang buwan kahit ipinagbabawal ang mga malawakang pagtitipon sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

I come as our NCRPO chief and show that people are here to tell him and the rest of the people who defy rules that you cannot make people follow you if you yourself are not following what the IATF has been making people do (Nagpunta ako bilang NCRPO chief upang sabihin sa kanya (Sinas) na hindi mo mapapasunod ang tao sa mga alituntunin kung ikaw mismo ay hindi susunod sa mga itinakda ng IATF para sundin ng tao),” ani Paner. 

Kasalukuyang ipinagbabawal pa rin ang mga mass gatherings dahil sa striktong stay-at-home na panuntunan sa community quarantine. Subalit, kumuha ng inspirasyon ang mga raliyista mula sa birthday party ni Sinas at ng kanyang mga kasamahan na idinaos bagama’t nasa lockdown.

Ilang grupo ang inaresto habang nagpoprotesta sa ilalim ng panunungkulan ni Sinas, kahit na sumusunod sa social distancing at nagsusuot ng face masks ang mga raliyista.

Naglagay ng checkpoints ang mga pulis sa labas ng UP Diliman campus ilang oras bago mag-umpisa ang rally.

Ipinanawagan ng mga raliyista ang pagbabasura sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Bill na ipinasa ng Kamara.

LATEST

LATEST

TRENDING