“Balik Probinsya”, pansamantalang sinuspinde

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pansamantalang sinuspinde ang programang “Balik Probinsya” para magbigay daan sa pagpapauwi ng mga stranded na manggagawa, turista, at estudyante, ayon sa Executive Director nitong si Marcelino Escalada Jr., na siyang general manager din ng National Housing Authority (NHA).

Aniya, “I decided as a matter of strategy (Napagpasyahan ko bilang estratehiya) na i-suspend muna ang ating rollouts for the Balik Probinsya to prioritize stranded OFWs, construction workers, students, and tourists”.

We want to make sure that on one hand, the LGUs (local government units) are ready to receive their own constituents by then (Gusto nating tiyaking handa ang mga LGUs sa pagtanggap nila sa kanilang mga residente sa hinaharap),” dagdag pa niya. 

Ang suspensyon ay nangyari nang hindi pa umaabot sa isang buwan ang implementasyon ng “Balik-Probinsya”, na naglalayong pauwiin sa mga lalawigan ang mga nagbakasakaling maghapbuhay sa Kamaynilaan subalit naging informal settler lamang.

Sa ilalim ng Balik Probinsya, 100 na ang naiuwi sa Leyte. Isang panibagong batch naman ng mga aplikante ang makakauwi sana noong Hunyo 11 subalit ipinagpaliban muna ito.

Ang naturang programa ay pet project ni Senador Christopher “Bong” Go, na ang pangunahing adhikain ay bawasan ang panikikip ng tao sa Metro Manila at bigyan ng hanapbuhay ang mga ito sa pag-uwi sa lalawigan.

Umani ng batikos ang “Balik Probinsya” dahil sa kawalan aniya ng koordinasyon ng pamahalaang nasyonal sa mga lokal na pamahalaan na siyang tatanggap sa mga magsisipag-uwiang residente.

Hindi bababa sa dalawang benepisyaryo ng programa ang nagpositibo sa Covid-19 pagkarating sa kanilang mga lalawigan.

LATEST

LATEST

TRENDING