200 stranded na pasahero, naghintay sa ilalim ng NAIA Expressway

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Trista Nodalo (CNN Philippines)

Nakahanap ng pansamantalang masisilungan sa ilalim ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Expressway sa Lungsod ng Pasay ang aabot sa 200 stranded na mga pasahero mula sa mga flights noong Hunyo 11.

Kabilang sa mga stranded na pasahero ay mga pamilya, estudyante at overseas Filipinos workers (OFWs), ayon kay Adrian Martinez, focal person para sa locally stranded individuals (LSIs) at OFWs ng Pasay City government. 

Karamihan sa grupo ay pauwi aniya ng Mindanao. Maaga silang nagsipuntahan at piniling maghintay muna sa ilalim ng expressway dahil sa pangambang walang pampublikong transportasyong masasakyan patungo sa NAIA.

Unang pinatuloy ng pamahalaang lokal sa isang pampublikong eskwelahan ang mga pasaherong nakansela ang flight. Sila ay binigyan aniya ng pagkain at tinulungan din upang ayusin ang mga travel documents.

Nag-iwan naman ng cellphone si Marquez sa mga pasaherong nasa ilalim ng expressway upang matulungan sila kung sakaling makansela rin ang kanilang mga flight.

Nakiusap din ito sa mga airline na bigyan ng pansamantalang matutuluyan ang mga pasahero sakaling hindi matutuloy ang kanilang mga flight.

These are paying customers (Sila mga customer na nagbabayad). Sana po ‘pag nagka-cancel sila ng kanilang mga booking at flights, maalala nila na itong mga taong ito, wala na silang babalikan kaya nga dapat ang aming pakiusap… bigyan nila ng assistance ito,” ani Marquez.

LATEST

LATEST