PSG, mananatiling naka-“high alert” para kay Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
PSG commander Col. Jesus Durante III

Patuloy ang pagiging “high-alert” ng Presidential Security Group (PSG) para sa kalusugan at kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte bagama’t lumuwag na ang community quarantine sa Kalakhang Maynila.

Sa isang pahayag noong Hunyo 10, sinabi ni PSG commander Col. Jesus Durante III na mananatiling ipatutupad ang health at safety protocols sa Palasyo at sa mga lugar na pinupuntahan ni Duterte.

Aniya, “With the implementation of the general community quarantine (GCQ) in the National Capital Region, the Presidential Security Group will still maintain all safety protocols and measures currently enforced inside the PSG Compound and the whole Malacañang Complex (Sa implementasyon ng GCQ sa NCR, mananatili ang safety protocols at measures na ipinatutupad sa loob ng PSG Compound at sa buong Malacañang Complex”.

Papanatilihin din ang mga screening procedures katulad ng “mandatory rapid antibody detection testing and disinfection of engagement areas.” Ipatutupad rin ang “no invitation, no entry” policy para sa mga bumibisita sa Palasyo.

Ang mga dadaluhang pagtitipon naman ni Duterte ay lilimitahan sa mga maliliit na private meetings at hindi irerekomenda sa pangulo ang pagdalo sa mga malawakang pagtitipon.

PSG will never let its guard down. It shall remain on high-alert status until the environment is safe for the President (Mananatili sa high-alert status ang PSG hangga’t ligtas na ang paligid para sa pangulo,” ani Durante.

Nanawagan din ito sa publiko na mariing sundin ang mga panuntunan ng quarantine.

Noong makaraang buwan, tiniyak ni Durante na hindi makakalapit sa pangulo ang mga nahawa sa Covid-19 o sinusupetsahang may coronavirus.

Hindi rin aniya nakasalamuha ng pangulo ang isa sa mga security aides nitong nagpostibo sa nakamatatay na sakit.

Sumailalim naman sa reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests ang 160 PSG at isa ang nagpositibo sa mga ito. Subalit, matagal na raw gumaling ang nahawa sa Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING