Pamahalaan, nagbabala sa peligrong hatid ng misting

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nagbabala ang pamahalaan noong Hunyo 10 tungkol sa masamang epektong maaaring idulot sa kalusugan ng misting o pag-spray ng disinfectant matapos mamatay ang isang pulis na nakalanghap nito.

Ang biktima ay si Capt. Casey Gutierrez na nasawi sa Philippine Sports Arena Quarantine Facility sa Lungsod ng Pasig noong Mayo 30.

Kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon tungkol sa insidente, ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Aniya, “Titignan natin kung may violations ba or breaches in protocol na nangyari at ang mananaig d’yan ay mga patakaran at batas na mayroon tayo sa bansa”.

Ipinaliwanag nito na bagama’t karaniwang ginagawa ang misting at spraying sa proseso ng decontamination, peligroso ito kapag ini-spray direkta sa tao.

Misting and spraying are not really recommended for direct spraying (Hindi inirerekomenda ang direktang misting at spraying) sa mga tao,” giit ni Vergeire.

Noong Abril, naglabas ang ahensya ng memorandum na nagbabawal sa instalasyon ng mga misting tents sa mga pampublikong lugar at ang pag-spray ng disinfectant direkta sa tao.

Inulit din ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pagbabawal ng pamahalaan kontra misting at spraying.

“Tiyakin ninyong wala ng susunod na ganitong insidente,” ani Año hinggil sa pagkamatay ni Gutierrez.

Sinabi ni Año na dapat alam ng local government units (LGUs) at attached agencies ng DILG katulad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP),  ang iba’t-ibang kapahamakang naidudulot ng misting at spraying ng kemikal.

Sa isang inilabas na advisory noong Abril, iminungkahi niya sa mga LGUs ang paghinto sa paggamit ng disinfection tents at misting chambers o sanitation booths para sa mga indibidwal na walang personal protective equipment (PPE).

Pagbibigay diin ni Año,  “LGUs and all public and private establishments are reminded that misting causes additional health concern because pathogens may be dispersed further, may result in skin irritation and inhalation of chemicals, and could even cause environmental pollution (Pinapaalalahanan ang LGUs at mga pampubliko at pampribadong establishimento na masama sa kalusugan ng tao ang misting sapagkat maaaring ikalat nito ang mga mikrobyo; magdulot ng iritasyon sa balat at baga; at maghatid ng polusyon sa kapaligiran”.

LATEST

LATEST

TRENDING