Malacañang: Walang stimulus package kung walang kita

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Hindi maiimplementa ang pinapanukalang stimulus package kung walang kita ang pamahalan, pahayag ng Malacañang matapos magpasa ng panukalang batas ang Mababang Kapulungan na naglalayong maglaan ng P1.3 trilyon upang tugunan ang pagbangon ng ekonomiya matapos ang pananalasa ng Covid-19 pandemic.

Inulit ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pananaw ng finance department na kinakailangang muna na may mapagkukunan ng pondo bago mag-implementa ng stimulus package.

Aniya, “I think the point of (Finance) Secretary (Carlos) Dominguez is all stimulus packages can be sourced from a supplemental budget, but we cannot have the budget without an additional source of revenue (Ang punto ni Sec. Dominguez ay puwedeng kunin ang stimulus package mula sa supplemental budget, subalit hindi natin makakamit ang nasabing budget kung walang karagdagang mapagkukunan ng kita)”.

So the Department of Finance is just making sure that any stimulus package that will become a law can be funded from existing sources, or at least the sources of funds have to be identified (Tinitiyak lamang ng DOF na ang anumang stimulus package na isasabatas ay may mapagkukunan mula sa budget o di kaya ay tukoy ang mga mapagkukunan ng pondo)” dagdag pa nito.

Noong nakaraang buwan, binanggit ni Budget Secretary Wendel Avisado na walang basehan ang pagpasa ng supplemental budget dahil walang bagong mapagkukunan ng pondo ang gobyerno o di kaya ay bagong ipinapataw na buwis.

Bumagsak ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) noong Abril bunsod ng pagpapasara ng mga negosyo dahil sa pag-iral ng lockdown. P527.41 bilyon ang kabuuang nakolekta sa unang apat na buwan, mas mababa ng P179.37 bilyon kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Nitong linggo, inaprubahan sa Kamara sa ikahuling pagbasa ang Accelerated Recover and Investments Stimulus for the Economy of the Philippines or ARISE Philippines Act, na naglalayong ibangon ang ekonomiya at abutan ng tulong ang mga apektadong sektor dahil sa pandemiya.

Sinabi ng mga taga-suporta ng panukala na ang P1.3 trilyong stimulus package ay makapaglilikha ng mga trabaho at makapaglulunsad ng mga proyektong pang-imprastraktura upang matulungan ang mga manggagawa at maliliit na negosyo.

Subalit, iginiit ni Dominguez, na nagkukulang ang pamahalaan sa mapagkukunan ng pondo upang tustusan ang ipinapanukalang stimulus package.

Binigyang diin nito na ipinag-uutos ng Konstitusyon ang pagsertipika sa excess funds at bagong revenue sources para sa pagpasa ng kahit anong supplemental budget.

Maaari ring malagay aniya sa alanganin ang fiscal sustainability ng bansa kung isasabatas ang panukala nang walang mapagkukunan ng pondo.

LATEST

LATEST

TRENDING