Kaso ng Covid-19 sa Brazil, patuloy ang pag-akyat

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa bansang Brazil habang unti-unti nitong binubuksan ang ekonomiya. Pangalawa ang Brazil sa Amerika sa may pinakamataas na bilang ng Covid-19 infections sa mundo na nasa 740,000 at may 38,000 na nasawi.

Naunang tinanggal ng health ministry noong weekend ang bilang ng mga kaso at kamatayan sa webiste ng pamahalaan. Inantala rin nito ang paglalabas ng mga datos ng Covid-19 noong nakaraang linggo.

Inilarawan lamang na “little flue” ang Covid-19 ng pangulong si Jair Bolsonaro. Hinikayat din niya ang mga gobernador ng Brazil na huwag nang magpatupad ng lockdown.

Sinabi rin ni Bolsonaro na nawalan na ng kredibilidad ang World Health Organization (WHO) sa paghawak nito sa pandemiya kaya naman posibleng umalis na lang ang Brazil mula dito.

Ang health department sa lungsod ng Sao Paulo’s ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga kaso habang nag-uumpisa itong buksan ang ekonomiya at pagaanin ang mga patakaran sa social distaning.

Bagama’t marami ang namatay, inanunsyo ng mayor ng Sau Paulo, ang state capital, na maaari nang magbukas ang mga establishimento nang apat na oras bawat araw habang ang mga mall ay puwede na ring magbukas.

Ang Rio de Janeiro, ikalawang pinakamalaking lungsod sa Brazil, ay nag-umpisa ring magpaluwag ng mga quarantine protocols kabilang na ang pagpapahintulot ng mga football matches na walang mga manonood. Subalit, ipinag-utos din ng isang huwes noong Hunyo 8 ang pagbabalik ng mga quarantine protocols. Essential services lamang ang maaaring magbukas dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nasasawi.

LATEST

LATEST

TRENDING