Facebook, nagsagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga kumakalat na pekeng accounts

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Sa paglipana ng daan-daang pekeng Facebook accounts noong Hunyo 7, sinabi ng pamunuan ng Facebook na nagpatupad na ito ng imbestigasyon sa naturang insidente.

Naunang pumutok ang isyu nang makatanggap ng reklamo ang social media company tungkol sa mga estudyante at alumni ng ilang mga paaaralan na bigla na lang nagkaroon ng mga blangko at duplicate na accounts.

Sinabi ng Facebook na patuloy ito sa pag-validate sa mga nai-report na mga pekeng accounts. Agad na buburahin naman ang mga accounts na mapapatunayang peke.

We encourage people to report any accounts they believe may be inauthentic via our easy-to-use reporting tools (Inaanyayahan namin ang mga tao na ipagpatuloy ang pagreport sa mga pinaghihinalaang pekeng account gamit ang aming reporting tools),” giit ng Facebook. 

Milyun-milyong dolyar ang ginagastos ng kumpanya upang maitatag ang mga sopistikadong teknolohiya na tumutulong sa pagtukoy at pagtanggal ng mga pekeng account.

Ayon sa kanila, “We estimate that just 5% of our worldwide monthly active users (MAU) on Facebook are fake accounts (Tinayatang 5% mula sa pangkabuuang MAU ng Facebook ay pekeng accounts)” . 

Sa huli nitong Community Standards Enforcement Report na inilabas noong nakaraang buwan, nakasaad na nakapagtanggal ang Facebook ng aabot sa 1.7 bilyong pekeng accounts sa buong mundo sa unang bahagi ng taon.

Thanks to the use of sophisticated technology, we were able to proactively identify 99.7% of these accounts before anyone reported them to us (Salamat sa sopistikadong teknolohiya, natukoy namin ang 99.7% ng mga pekeng accounts bago pa man ito naiulat sa amin),” ani Facebook. 

LATEST

LATEST

TRENDING