Eksperto: Mga doktor, gumagaling sa pagresponde sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Dr. Edsel Salvana

Marami nang nagbago simula noong unang naitala ang kauna-unahang kaso ng Covid-19 sa bansa, ayon sa ilang eksperto.

Sa paglobo sa bilang ng mga kaso, hindi pa na-kompromiso ang sistemang pangkalusugan ng bansa at kaya nitong tugunan ang bilang mga pasyenteng tinatamaan ng Covid-19. Ito ay ayon kay Department of Health (DOH) Underscretary Maria Rosario Vergeire.

Giit naman ng eksperto sa infectious diseases na si Dr. Edsel Salvana, mas handa na ang mga doktor ngayon sa pagtugon sa Covid-19 kumpara noong unang pumutok ang pandemiya sa bansa.

Aniya, “Gumagaling po talaga ang mga doctors natin mag-treat ng Covid-19. Malaking pagbabago compared noong nagsisimula pa lang tayo kumakapa ng konti. Bagama’t may namamatay pa rin, namiminimize naman po natin yung deaths ngayon at yung iba nga hindi na kinakailangan mag-ventilators”.

Gayunpaman, pinaalalahan pa rin nito ang publiko na huwag maging kampante dahil patuloy pa rin ang banta ng coronavirus at posible itong maipasa ng mga asymptomatic o mga pasyenteng walang pinapakitang sintomas.

LATEST

LATEST

TRENDING