Duterte, ayaw bisitahin ang Pag-asa Island dahil baka “masaktan ang damdamin ng China”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Xi Jinping ng China (kaliwa) at Pangulong Rodrigo Duterte (kanan)

Noong Hunyo 9, binisita ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana at ilang miyembro ng militar ang Pag-asa Island upang pasinayan ang bagong breaching ramp na dalawa at kalahating taong kinumpleto.

Ang naturang istruktura ay magsisilbing daungan ng mga sasakyang pandagat upang direktang maibaba ang mga pasaherong pumupunta sa isla.

Sa tulong nito, mapapabilis ang mga construction projects at mas mapapadalaas ang pagbisita ng mga opisyal sa isla.

Ito rin ay upang mapaigting ang presenya ng bansa sa West Philippine Sea, kung saan sentro ito ng tensyon sa pagitan ng mga bansa, kabilang na ang makapangyarihang bansa ng China na nagtayo na ng mga istruktura sa lugar.

Ilang beses nang nagbabalak di umano ang pangulo na bumisita sa isla, subalit hindi ito matuloy-tuloy, ayon sa kalihim.

Ang pagbisita ni Duterte ay magiging mahalagang simbolismo di umano sapagkat magpapadala ito ng malakas na mensahe sa China at sa iba pang mga bansa na seryoso ang pamahalaan sa pagdedepensa ng ating teritoryo at pagtataguyod ng soberanya.

Nang tanungin si Lorenza kung pupunta ba ang pangulo sa isla sa hinaharap, sinabi lamang nitong “Hindi natin alam”.

But one time, he announced that he will come here, when we were there in Palawan. But when he went to China, he retracted it (Noong nasa Palawan kami, sinabi niyang pupunta siya. Subalit noong pumunta siya sa China, nagbago ang kanyang isip),” dagdag pa ng kalihim.

Tapos sabi niya he doesn’t want to, alam mo naman, sabi nya ‘yung mga Chinese ay ‘wag natin – Mga kaibigan natin. I don’t want to hurt their feelings (Ayokong saktan ang kanilang damdamin),” ani Lorenzana.

Ikinuwento rin ni Lorenza na tinawagan siya ng Chinese ambassador bago siya unang pumunta sa Pag-asa Island.

Aniya, Kinausap ako ni Ambassador Zhao [Jianhua], kung puwede hindi ako pumunta rito. Tinanong ko sa kanya, bakit? Sabi niya, wala pang nagpupunta diyan na Secretary of Defense”.

Gumamit pa di umano si Zhao ng salitang “please” giit ni Lorenzana

Gayunpaman, itinuloy pa rin ng kalihim ang pagbisita sa isla noong Abril 2017 upang i-anunsyo ang planong paggawa ng breaching ramp at pagsesemento sa airstrip ng isla upang mas mapadali ang pagpasok ng mga eroplano.

LATEST

LATEST

TRENDING