DOLE: Mahigit 2,000 na kumpanya sa bansa, nalugi

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DOLE Secretary Silvestre Bello III

Aabot sa 2,068 na mga kumpanya sa bansa ang nagsara bunsod ng Covid-19 pandemic, ayon kay Department of Labor and Employment Secretary (DOLE) Secretary Silvestre Bello III noong Hunyo 10.

Katumbas nito ang mahigit 69,000 na mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay. Sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa, kailangang harapin ng mga negosyo ang katanungan kung sila ba ay makakabangon mula sa pandemiya o hindi.

Samantala, naunang inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 17.7% ang unemployment rate noong Abril o katumbas ng  tinatayang 7.3 milyong kataong nawalan ng hanapbuhay.

Itinanggi ito ng DOLE dahil ang bilang na ito ay resulta lamang di umano ng survey.

“Yun pong 7.3 million ay survey pa lang ‘yan, hindi pa po yan actual o factual,” ani Bello.

Mas mababa raw ang datos ng DOLE tungkol sa mga naiulat na job losses.

Subalit, iginiit ng kalihim na ang 17.7% na estimasyon ng PSA ay ang pinakamataas na unemployment rate sa loob ng ilang dekada.

Hindi lamang mga Pilipino sa Pilipinas ang apektado kundi pati na rin ang ating mga overseas Filipino workers (OFWs). Aabot sa 321,000 OFWs ang nakaranas ng kalbaryo dahil sa pananalasa ng Covid-19 krisis.

Subalit, hindi lahat ay nagnanais umuwi sa bansa. Ayon kay Bello, mahigit 191,000 ang nais manatili sa mga bansang kanilang kinaroroonan.

LATEST

LATEST

TRENDING