WHO Chief: Sitwasyon ng Covid-19 sa mundo, lumalala

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus

Ipinahayag ni World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na bagama’t bumubuti ang kalagayan ng Europa sa pagharap nito sa Covid-19 pandemic, patuloy na lumalala naman ang pangkalahatang sitwasyon ng mundo.

Ayon kay Tedros, mahigit 100,000 na mga kaso ang naiulat sa WHO sa siyam mula sampung nakaraang araw. Noong Hunyo 7, naitala ang pinakamataas sa isang araw na pumalo sa 136,000.

Almost 7 million cases of Covid-19 have now been reported to WHO, and almost 400,000 deaths (Mahigit 7 milyong kaso ng Covid-19 ang naiulat sa WHO, at aabot na sa 400,000 ang nasawi),” ani Tedros.

Sa Africa, karamihan ng mga bansa ay nakararanas ng pagtaas sa bilang ng mga kaso ng Covid-19.

We also see increasing numbers of cases in parts of Eastern Europe and Central Asia (Nakikita rin natin ang pagtaas ng mga kaso sa Eastern Europe at Central Asia),” dagdag pa ni Tedros.

Nagbabala naman ang pinuno ng WHO sa mga bansang bumubuti na ang kalagayan na huwag pa ring makapampante sapagkat nananatili pa rin ang banta ng nakamamatay na sakit.

Wika nito, “More than six months into this pandemic, this is not the time for any country to take its foot off the pedal (Mahigit anim na buwan na itong pandemiya, subalit hindi ito ang panahon upang mapanatag ang loob ng mga bansa)”.

LATEST

LATEST

TRENDING