Reunion ni Cardo at Pinuno: Coco Martin, binisita si Sen. Lito Lapid

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Lito Lapid (kaliwa) at Coco Martin (kanan)

Binisita ng aktor na si Coco Martin noong Hunyo 9 sa Senado si Senador Lito Lapid, ang kanyang dating katrabaho sa teleseryeng “Ang Probinsyano”, na umalis sa nasabing teleserye upang tumakbo bilang senador noong 2019.

Ang pagkikita ng dalawa ay kinuhanan ng larawan ng Senate Public Relations and Information Bureau, na ipinost naman sa Facebook.

Si Lapid, isang beteranong aktor na unang sumikat noong 1970s, ay nagbalik sa harap ng kamera bilang action-star sa “Ang Probinsyano.” Ang karakter niya ay si Romulo, na mas kilala bilang Pinuno, ang lider ng Vendetta.

Kasama ni Cardo, ang ginagampanag karakter ni Martin, pinatumba ng Vendetta ang mga katiwalian sa pamahalaan kabilang na si Pangulong Lucas Cabrera na ginagampanan naman ni Edu Manzano.

Sa pagsapit ng 2019, si Lapid, kasama ang iba pang nagnanais tumakbo sa halalan na kabilang sa “Ang Probinsyano,” ay kinailangang lumisan mula sa teleserye alinsunod sa mga patakaran ng eleksyon.

Naghahanda naman si Martin, na direktor din ng “Ang Probinsyano,” sa muling pagta-taping ng teleserye na eere sa Kapamilya Channel.

Isa ang “Ang Probinsyano” sa mga nagtigil-produksyon noong Marso bunsod ng pananalasa ng Covid-19 pandemic. Muling naantala ang pagbabalik nito noong ipasara ng pamahaalan ang ABS-CBN dahil sa pagwawakas ng prangkisa nito.

LATEST

LATEST

TRENDING