5 lindol, naitala sa Bulkang Taal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Edwin Bacasmas

Naitala ang limang paglindol sa Bulkang Taal sa nakalipas ng 24 oras, batay sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong Hunyo 9.

Ang itinuturong dahilan ng mga paglindol ay “rock-fracturing processes beneath and around the edifice”, ayon sa ahensya.

Ang mga vents sa main crater malapit sa Kastila Trail ay nakapagbuga ng 20 hanggang 30 metrong singaw pa timog-kanluraan.

Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal, kung saan maaaring magkaroon ng mga phreatic explosions, paglindol, bahagyang ashfall, at pagputok ng volcanic gas na posibleng makaapekto sa mga lugar na malapit sa Taal Volcano Island (TVI).

Binigyang diin ng PHIVOLCS na ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa TVI, o ang permanent danger zone ng bulkan.

Iminugkahi rin ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang pagmomonitor sa mga barangay na malapit sa Lawa ng Taal upang masuri kung may pagkasirang naidulot at upang masiguro ang kahandaan ng mga residente.

Pinapag-ingat din ang mga residente dahil sa posibleng pagbitak ng lupa, bahagyang ashfall, at mahinang paglindol.

Nagbabala rin ang PHIVOLCS sa mga piloto na huwag lumipad malapit sa bulkan upang makaiwas sa peligro mula sa pagputok ng abo at iba pang mga ibinubuga ng bulkan.

LATEST

LATEST

TRENDING