Sinas, na nagpa-“mañanita” noong ECQ, nanibak ng pulis dahil sa paglabag sa quarantine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
NCCRPO Director Brig. Gen. Debold Sinas sa kanyang “mananita”

Sinibak ni National Capital Region Police Officer (NCCRPO) director Brig. Gen. Debold Sinas ang limang pulis mula Lungsod ng San Juan matapos aniyang lumabag sa mga patakaran ng community quarantine habang nasa Lungsod ng Baguio.

Aniya, “I will not condone any wrongdoing of our Police Officers in the implementation of the community quarantine protocols, if held responsible (Hindi ko papahintulutan ang ano mang paglabag ng mga pulis sa mga panuntunan ng community quarantine).”

Dadag pa ni Sinas, “We as law enforcers, are bound to respect the existing rules and regulations anywhere in the Philippines (Tayong mga pulis ay dapat na gumagalang sa mga ipinatutupad na mga patarakan at regulasyon saan mang panig ng bansa)”.

Ito ay sa kabila ng pagiging bahagi ng NCRPO Chief sa isang “mañanita” o selebrasyon ng kanyang kaarawan na ginanap noong Mayo. Ang naganap na salu-salo kasama ang iba pang mga pulis ay itinuturing na “mass gathering” kung saan ipinagbabawal ito noong umiiral pa ang enhanced community quarantine (ECQ).

Escort aniya ni San Juan Mayor Francis Zamora ang mga sinibak na pulis. Ayon sa alkalde ng Baguio na si Mayor Benjamin Magalong, hindi sinunod ng mga pulis ang mga patakaran ng border control checkpoint sa Kennon Road.

Kasalukuyang ipinapatupad ng modified general community quarantine (MGCQ) sa Lungsod ng Baguio. Bagama’t hindi nagustuhan ni Magalong ang nangyaring paglabag, hinikayat naman nito ang publiko na huwag husgahan si Mayor Francis Zamora at ang kanyang pangkat.

Humingi naman ng dispensa si Zamora sa pagkukulang ng kanyang police escort at sinabing nakatulog siya sa sasakyan habang dumadaan sa border checkpoint.

Indeed, we have accepted the apologies of Mayor Zamora, no doubt conveyed in sincerity. But in my talk with him, I emphasized that it is to the people of Baguio, not I, who deserve to do that (Tinanggap ko ang sinserong paumanhin ni Mayor Zamora. Subalit, iginiit ko sa kanyang ang mga residente ng Baguio ang dapat magpaabot sa kanya ng tawad,” ani Magalong.

Dagdag pa, “After all, it is their primordial health and well-being that Mayors like him and I are consecrated to work for in these troubled times (Sa huli, iisa ang aming tungkulin bilang alkalde at ito ay ang masigurong maayos ang kalusugan ng aming mga nasaskupan sa gitna ng krisis)”.

LATEST

LATEST

TRENDING