
Sa pagkalat ng Covid-19 sa buong mundo, karamihan sa mga tao ay kumukuha ng mga balita sa pamamagitan ng internet. Naging katuwang na ng tao ang internet dahil sa mabilis ang pagkalap ng impormasyon online.
Subalit, marami pa rin sa mundo ang walang internet.
Isa na dito sa Angela Montiel na nakatira sa Colombia. Sa kanyang mga kapitbahay lamang siya kumukuha ng impormasyon hinggil sa nakakamamatay na sakit at iba pang mga mahahalagang paaalala sa panahon ng pandemiya.
Noong nagpatupad ng lockdown ang Colombia sa dulong bahagi ang Abril, nanatili sa kanyang tahanan si Montiel kasama ang asawa at tatlong anak.
Tila sentensiya ng kamatayan ng pagpapatupad ng lockdown para kay Montiel. Hindi niya maibenta ang kanyang ginagawang mga tradisyunal na Wayuu mochila bags dahil walang bumibili sa panahon ng lockdown. Hindi rin maipagpatuloy ng kanyang mga anak ang pag-aaral dahil sa kawalan ng online materials.
“Seeing as we don’t have TV, internet or anything, we don’t know if it’s still going on or if it will keep going, so obviously we can’t go out or move around (Dahil wala kaming TV, internet, o kahit ano, hindi namin alam kung ano ang nangyayari sa mundo, kung maaari na ba kaming makalabas o hindi pa,” ani Montiel.
Ayon sa estimasyon ng United Nations (UN), halos kalahati sa populasyon ng mundo o 46% ang hindi pa rin konektado sa internet.
Ngayong panahon ng krisi, nangangahulugan itong hindi sila makakapagkalap ng impormasyon tungkol sa Covid-19 updates, mga oportinadad pangkabuhayan, online learning, telemedicine appointments, digital grocery deliveries, live-streamed religious services, at iba pa.
Bagama’t nagkaisa ang mga pamahalaan ng mundo upang maipaabot na ang internet sa lahat sa taong 2020, nananatili pa ring malabo itong maisakatuparan sa ngayon. Mas laganap ang kawalan ng internet sa mga mahihirap na lugar.
“Covid-19 has shown that there’s such a huge divide, and it’s actually come as a shock to some governments. When they asked their employees to go work from home … a lot of them couldn’t (Ibinunyag ng Covid-19 ang realidad na may malaking agwat sa mga tao na ikinagugulat ng mga pamahalaan. Noong sinabihan nila na mag work from home ang mga empleyado… marami dito ang hindi nakatupad),” pagbibigay diin Eleanor Sarpong, deputy director ng Alliance for Affordable Internet (A4AI), tungkol sa pagiging suliranin ng kawalan ng internet.
Nananatiling positibo naman si Sarpong na mabibigyan na ng lunas ang pagiging diskonektado ng mga tao sa internet sa pagtatapos ng pandemiya.
Ang A4AI, ay isang inisyatiba ng World Wide Web Foundation, na naglalayong magrekomenda sa mga pamalaan ng mga palisiya tungkol sa pagpapaabot ng internet sa mga tao.
“Governments need to look at internet access, not as a luxury, but to see it as an enabler that can transform their economies … I think it’s a wake-up call for them (Kailangang ituring ng pamahalaan ang internet bilang mahalagang katuwang sa pagpapaunlad ng ekonomiya),” dagdag ni Sarpong.
Sa mga mahihirap na bansa sa mundo, 19% lamang ng populasyon ang online.
Sa India, nagpatupad ang pamahalaan ng agresibong hakbang para sa digitization ng mga pangunahing serbisyo mula sa pagkain hanggang sa pensyon. Bagama’t nakadepende ang ilang mahihirap sa digital services, kalahati pa rin ng populasyon nito ay offline.
Sa Amerika, mahigit apat sa sampung mahihirap na tahanan ang walang internet batay sa pag-aaral ng Pew.
Sa United Kingdom naman, 1.9 milyong pamilya ang hindi konektado online habang milyun-milyon pa rin ang umaasa sa pay-as-you-go services para makakuha ng internet.