Bob Arum: Pacquiao, posibleng maging susunod na pangulo ng Pilipinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Manny Pacquiao at Bom Arum

Iginiit ng Amerikanong boxing promoter na si Bob Arum na posibleng maging susunod ng presidente ng bansa si Senador Manny Pacquiao.

The first president I think we’ll get, as a fighter, is Manny Pacquiao (Sa tingin ko, ang kauna-unahang magiging boksingerong presidente sa kasaysayan ay si Manny Pacquiao,” ani Arum.

Sa isang video, sinabi ng Top Rank chief executive na pinagkuwentuhan siya ni Pacquiao tungkol sa mga plano nito sa pulitika.

“(He) told me, once again, I did a Zoom telephone call with him, ‘Bob, I’m gonna run in 2022, and when I win, I want you there at my inauguration (Sinabi niyang muli sa akin sa Zoom na, ‘Bob, tatakbo ako sa 2022 at gusto kong nandoon ka sa inagurasyon ko kung mananalo ako’,” pagbunyag ni Arum. 

Kasalukuyang nanunungkulan bilang senador si Pacquiao simula noong 2016. Dati rin itong naging representatibo ng kaisa-isang distrito ng Sarangani.

Sa 2022, ang 41-anyos na si Pacquiao ay maaaring tumakbo bilang senador sa pangalawang termino, pati na rin bilang bise-presidente at presidente. Sa ngayon, wala pang pahayag si Pacquiao sa mga naging komento ni Arum.

Simula pa noong 2015, hinuhulaan na ni Arum na tatakbo sa pagka-pangulo si Pacquiao. Nanatili namang aktibo sa larangan ng boxing si Pacquiao na huling tinalo si Keith Thurman noong Hulyo 2019 upang makamit ang WBA “super” welterweight championship.

LATEST

LATEST

TRENDING