Opisyal ng Olympics: Naudlot na 2020 Olympics, ituloy sa 2021 o hindi na gaganapin kailanman

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Gustong ituloy ni Pierre-Olivier Beckers, isang mataas na opisyal sa pamunuan ng Olympics, na ang naudlot na 2020 Tokyo Olympics sa taong 2021 o hindi na ito gaganapin kahit kailan.

Inulit ng opisyal ang tinding ng Japan at ni International Olympic Committee chief Thomas Bach na ang sususunod na taon ang huling pagkakataon upang idaos ang natigil na Olympics bunsod ng Covid-19 pandemic.

Today everyone is sure that they will start on July 23, 2021 (Ngayon, lahat ay tiyak na mag-uumpisa ito sa Hulyo 23, 2021,” pahayag ni Beckers sa pahayagang L’Avenir.

Dagdag pa nito, “We are convinced that the Games will take place in 2021 or they won’t take place. It’s unthinkable to keep such a project on the go for any longer considering the enormous costs and all the thousands of people involved (Kumbinsido kami na gagapin ito sa 2021 kundi hindi na ito gaganapin kailanman. Napakahirap na itigil ang proyekto dahil sa napakamahal na gastusin at sa dami ng taong kalahok)”.

Ayon kay Beckers, ang pinal na pagpapasya sa Tokyo ay tatalakayin sa darating na spring season. Nananatiling positibo ang kanyang pananaw na matutuloy ang naudlot na Olympics at mariin namang itinanggi ang usaping gaganapin ito sa saradong venue.

LATEST

LATEST