Maximum tolerance sa “mañanita” rally, ikakasa ng PNP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac

Ipatutupad ng The Philippine National Police (PNP) ang maximum tolerance sa gaganaping pagprotesta sa Araw ng Kalayaan, Hunyo 12, na tinawag na “mañanita” protest.

Inanunsyo ni PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac na bibigyan ng mga awtoridad ng sapat na oras ang mga raliyista upang makapag-disperse nang mapayapa.

Nang natungin kung aarestuhin ang mga lalahok sa “mañanita” protest, sinabi nitong “Well, hangga’t maari, hindi natin ito gagawin”.

Dagdag pa ni Banac, “Tayo po ay makikiusap muli sa kanila at bibigyan ng sapat na panahon upang sila ay peacefully mag-disperse. Maximum tolerance po ang ating isasagawa”.

Subalit, iginiit ni Banac na nakadepende sa magiging asal ng mga raliyista sa mismong araw ng protesta ang uri ng pagresponde ng PNP dito.

“Nais natin ipaalala muli na hindi po tayo mas mataas sa batas. Tayo po ay sumunod sa panuntunan bilang responsible Filipino citizens,” giit ng tagapagsalita ng PNP.

Subalit, ipihayag ni Banac na hindi inirerekomenda ng PNP ang pagdaraos ng kilos-protesta habang nasa kalagitnaan ng Covid-19 pandemic.

 “Maari natin itong gawin through online,” pagbiigay diin nito.

Ayon kay Banac, ang pag-deploy ng mga tropa ng pulis sa mañanita rally ay maihahalintulad sa paraan ng pag-deploy sa pagpapatupad ng community quarantine.

Noong Mayo 7, inanunsyo ng rights group na Movement Against Tyranny ang pagdaraos ng nasabing mañanita protest na layuning ipanawagan ang pagbabasura ng Anti-Terror Bill at ang paglaban sa tiranya. Ito ay gaganapin sa Hunyo 12.

“Mga ka-Mañanita, muli tayong magsama-sama at yanigin ang gobyernong nagtatangkang supilin ang ating mga batayang karapatan. Kitakits sa June 12!” pahayag ng grupo sa isang Facebook post.

Ang pangalang “mañanita” ay hango mula sa ginanap na brithday celebration ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas bagama’t mariing ipinagbabawal ang mga malawakang pagtitipon, katulad ng birthday party, habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).

Samantala, inabisuhan naman ni Senador Francis Pangilinan ang mga lalahok sa protesta na tawagin ang rally bilang “mañanita” upang hindi mapanagot sa ilalim ng batas katulad ni Sinas.

LATEST

LATEST

TRENDING