Ilang lugar sa Luzon, mawawalan ng kuryente mula Hunyo 8-14

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inanunsyo ng Meralco na ansamantalang mawawalan ng kuryente ngayong linggo ang ilang lugar sa Kalakhang Maynila at mga karatig-lalawigan.

Ito ay aniya dahil sa pagkukumpuning isasagawa sa mga naturang lugar o maintenance work.

Ang mga lugar na mawawalan ng kuryente ay ang:

Bulacan (Baliuag at Pulilan) at Pampanga (Apalit at San Simon)
PETSA: HUNYO 8, 2020 (LUNES)
ORAS: Sa pagitan ng 9:00 AM at 11:00 AM

APEKTADONG MGA LUGAR: Bahagi ng Esguerra St. mula Balatong A Barangay Hall sa Bgy. Balatong A, Pulilan, Bulacan hanggang at kasama ang Bgys. Calantipe at Balucuc sa Apalit, Pampanga; Bgy. Duyong Concepcion, San Simon, Pampanga; Bgys. Balatong A & B, Sta. Peregrina, Inaon, Peñabatan at Tinejero sa Pulilan, Bulacan; at Bgy. Tilapayong, Baliuag, Bulacan.

RASON: Reconductoring ng mga pangunahing linya at paglipat ng mga pasilidad sa Esguerra St. sa Bgys. Peñabatan at Balatong A sa Pulilan, Bulacan.

Bulacan (Bocaue)
PETSA: HUNYO 9, 2020 (MARTES)
ORAS: Sa pagitan ng 9:00 AM at 1:00 PM

APEKTADONG LUGAR: Villa Zaragosa Subd. sa Bgy. Turo.

RASON: Conversion at extension ng mga pangunahing linya sa Bgy. Turo, Bocaue, Bulacan.

Cavite (Naic)
PETSA: HUNYO 9, 2020, MARTES
ORAS: Sa pagitan ng 10:00 AM at 1:00 PM

APEKTADONG LUGAR: Block 15 sa Hillsview Royale Phase 3 Subd. sa Bgy. Timalan Lontoc.

RASON: Paglipat ng mga pasilidad sa Block 15 sa Hillsview Royale Phase 3 Subd. sa Bgy. Timalan Lontoc, Naic, Cavite.

Cavite (Imus City)
PETSA: HUNYO 10, 2020 (MIYERKULES)
ORAS: Sa pagitan ng 9:00 AM at 2:00 PM

APEKTADONG LUGAR: Landtrust Homes Subd. at Villa Elisa Subd. sa E. Aguinaldo Highway sa Bgy. Anabu II-E.

RASON: Pagpalit ng mga poste, conversion ng mga pasilidad, line reconductoring works at pag-install ng dagdag na lightning protection devices sa Landtrust Homes Subd., Bgy. Anaby II-E, Imus City, Cavite.

Quezon City (Loyola Heights)
PETSA: HUNYO 11, 2020 (HUWEBES)
ORAS: Sa pagitan ng 9:00 AM at 3:00 PM

APEKTADONG LUGAR: Bahagi ng Esteban Abada St. mula B. Gonzales St. hanggang malapit sa Rosa Alvero St. kasama ang F. Dela Rosa St.; AAP Dormitory, Loyola Heights Condominium, Eagle Star Condominium, Burgundy Crowne Condominium, My Place Residence Hall at Our Lady of Pentecost Parish.

RASON: Pagpalit ng mga poste, line reconductoring works at pag-install ng mga pasilidad sa Esteban Abada at F. Dela Rosa Sts. sa Bgy. Loyola Heights, Quezon City.

Quezon City (Holy Spirit)
PETSA: HUNYO 13, 2020 (SABADO)
ORAS: Sa pagitan ng 9:00 AM at 2:00 PM

APEKTADONG LUGAR: Bahagi ng Saliat at AFP Roads mula Luzon Ave. hanggang at kasama ang Bataan, Corregidor at Samat Sts. sa Garcia Heights Subd.; Don Vicente Ext. St. sa Don Antonio Heights Subd.; Artillery, Fort Santiago, Besang Pass, Capas, Dalton Pass, at O’Donnel Sts. sa Veterans Village; Judge Feliciano Belmonte Sr. High School at Holy Spirit Elementary School.

RASON: Pagpalit ng mga poste, pag-install ng mga pasilidad at line reconductoring works sa AFP Road sa Veterans Village, Bgy. Holy Spirit, Quezon City

Quezon Province (Pagbilao)
PETSA: HUNYO 11, 2020 (HUWEBES)
ORAS: Sa pagitan ng 10:00 AM at 3:00 PM

APEKTADONG LUGAR: Bahagi ng Kanluran Malicboy Barangay Road mula Sitio Patolbungan hanggang at kasama ang Sitio Waga at Sitio Tatakan sa Bgy. Kanluran Malicboy.

RASON: Line reconductoring works sa Kanluran Malicboy Barangay Road sa Bgy. Kanluran Malicboy, Pagbilao, Quezon Province.

LATEST

LATEST

TRENDING