Badyet pang-imprastraktura sa 2021, itinaas sa P1.31 trilyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inaprubahan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang mas mataas na infrastructure spending program bilang kabahagi ng pag-arangkada ng Build Build Build (BBB) projects para sa susunod na taon.

Ang BBB ay naglalayong ibangon muli ang ekonomiya ng bansa matapos maparalisa dahilan ng Covid-19 pandemic.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na naglaan ang DBCC ng P1.121 trilyon para sa programang pang-imprastraktura sa 2021. Ang pondo ay katumbas ng 5.3% ng gross domestic product (GDP). Ito ay mas mataas kumpara sa P775.1 bilyong (4.6 percent of GDP) infrastructure program ngayong taon.

Iginiit ng DBM na ang pagtaas sa badyet ng imprastraktura ay makapagbubukas ng maraming trabaho at makapag-aambag ng 0.9% sa GDP growth para sa susunod na taon.

This upward push of the infrastructure program is expected to create some 140,000 to 220,000 additional jobs through direct and indirect employment (Ang pag-angat ng programang pang-imprastraktura ay inaaasahang makapaglilikha ng 140,000 hanggang 220,000 na karagdagang trabaho sa pamamagitan ng direct at indirect employment),” ani DBM.

Dagdag pa, “With higher infrastructure investments, the country’s recovery from the COVID-19 pandemic can be better assured by generating more jobs in 2021, thus contributing a projected 0.9 percentage point increase to GDP growth to reach the range of eight to nine percent from the previous projected range of 7.1 to 8.1 percent (Sa mas mataas na pondo para sa imprastraktura, mas matitiyak ang pagbangon ng bansa mula sa pandemiya dahil sa paglikha ng maraming trabaho sa 2021. Nangangahulugan itong tataas ng 0.9% ang GDP upang maabot ang range na 8%-9% mula sa naunang range na 7.1%-8.1%)”.

Inisyal na itinakda ng DBCC noong Marso 27 sa P800.6 bilyon (4.3% ng GDP) ang badyet pang-imprastraktura. Subalit, kinaltasan ito at naging P775.1 bilyon noon Mayo 27, ayon kay DBM Assistant Secretary Rolando Toledo. Ang pagbabawas ay dahil aniya sa paglipat ng pondo upang gamitin sa pagtugon kontra Covid-19.

Samantala, tinatayang nasa P4.335 trilyon ang badyet ng pamahalaan para sa 2021 na katumbas sa 20.2% ng GDP, ayon sa DBCC. Ito ay mas mataas ng 3.7% kumpara sa P4.18 trilyong badyet na inaprubahan noong Mayo 12.

This is in a bid to return to the government’s fiscal consolidation track which was derailed by the current crisis and to keep the government’s debt at fiscally responsible levels (Ito ay alinsunod sa pagbabalik sa planong pampinansyal ng pamahalaan at pagbalanse ng utang nito matapos lubhang maapektuhan ng krisis)” wika ng DBM.

Inaasahang papalo sa P2.929 trilyon (13.6% ng GGP) ang kikitain ng pamahalaan sa susunod na taon, mas mataas ng 12.1% kumpara sa revised P2.61 trillion program ngayong 2020. Ang disbursement program naman ay itinakda sa P 4.357 trilyon, mas mataas ng 4.4% kumpara sa P4.175 trilyong target ngayong taon.

Naunang sinabi ng DBM na sisiyasating muli ang 2021 badyet bunsod ng nararanasang “new normal” dahil sa Covid-19 pandemic.

Iginiit ng ahensya na bibigyan ng prayoridad sa paggastos ang pagpapaigting ng sistemang pangkalusugan ng bansa. Ilan din sa mga nabanggit na bibigyang prayoridad sa paggastos ay ang food security; digitization ng gobyerno at ekonomiya; at ang pagsulong ng Balik Probinsya program.

LATEST

LATEST

TRENDING