Pekeng Facebook accounts ng UP students, naglipana

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Rappler

Noong Hunyo 7, kumalat ang mga blangko at pekeng Facebook accounts ng ilang mga estudyante at alumni ng University of the Philippines (UP).

Una itong naiulat ng opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng UP Cebu na Tugani. Natunghayan ang pagkalat ng mga duplicate at pekeng accounts ng mga aktibistang inaresto bunsod ng pagprotesta noong Hunyo 5 laban sa ipinapanukalang Anti-Terror Bill.

Subalit, kinalaunan ay binunyag ng ilang mga organisasyon na hindi lamang limitado sa Cebu ang naturang pamemeke. Napabilang din dito ang mga estudyante at alumni ng iba pang UP campuses.

We express our utmost alarm since these accounts are suspected to cause harm or spread false information. It would be best if we all stay informed and vigilant (Ipinapahayag namin ang pagkaalarma dahil sa maaaring magdulot ng panganib o pagpapakalat ng maling impormasyon ang mga pekeng account. Mas mabuti kung mananatili tayong maalam at mapagmatyag),” pahayag ng UP Office of the Student Regent sa Facebook.

Iminungkahi rin ng student regent sa netizens ang pag-report sa mga naturang pekeng accounts.

Ayon sa Facebook, ito ang mga hakbang na dapat sundin sa pag-report ng mga pekeng account:

  1. Pumunta sa profile ng pekeng account. Kung hindi ito mahanap, subukang i-search ang pangalan ng profile o tanungin ang mga kakilala kung puwede silang makapag-send ng link sa nasabing profile.
  2. I-click ang tatlong dots o tuldok sa ilalim ng cover photo at piliin ang “Find Support” o “Report Profile’.
  3. Sundin ang mga on-screen instructions para sa paggawa ng report para sa pekeng account.

Naging palisiya na ng Facebook ang pagtanggal ng iba’t-ibang pages at accounts na napatunayang lumalabag sa kanilang mga patakaran tungkol sa misrepresentation at spam.

LATEST

LATEST

TRENDING