Payo ng pangulo sa paglilinis ng kamay, taliwas sa rekomendasyon ng international health authorities

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte habang naglalagay ng alcohol sa kamay

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 5 na sapat na ang ilang patak ng rubbing alcohol upang mapanatili ang kalinisan ng kamay.

“Iyong alcohol mura naman iyan. ‘Wag nang marami, isang tulo lang,” wika ni Duterte sa isang press conference tungkol sa Covid-19 response.

Pagkatapos ay kumuha ito ng bote ng alcohol at pinatakan ang kamay. Giit niya habang kinukuskos ang kamay, “Ganoon lang iyan o: 3 drops”.

Subalit, taliwas ang payo ng pangulo sa inirerekomenda ng international health authorities.

Ayon sa guide na nilabas ng World Health Organization (WHO) noong 2009, kung walang nakikitang dumi sa mga kamay, dapat itong lagyan ng alcohol-based formula mula 20 hanggang 30 segundo.

Apply a coin-sized amount on your hands. There is no need to use a large amount of the product (Kasing-laki ng barya ang ilagay sa kamay. Hindi kailangang maglagay nang marami),” pahayag naman ng isang hiwalay na WHO guide kontra Covid-19.

Ayon naman sa US Centers for Disease Control and Prevention, dapat gumamit ng sanitizer na may 60% alcohol. Siguraduhin aniyang malalagyan ang lahat ng bahagi ng kamay bago ito kuskusin at patuyuin.

LATEST

LATEST

TRENDING