Netizens, naantig ang puso sa kwento ng lolang bumili ng cellphone para sa apo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Mico Tan

Umantig sa damdamin ng mga netizens ang isang nag-viral na litrato online kung saaan makikita ang isang lola at ang kanyang apong sinisiyasat ang bagong biling cellphone habang nakaupo sila sa labas ng isang mall sa Muntinlupa City.

Ang cellphone ay nabili mula sa naipong pera ng maglola dahil sa kanilang paghahanapbuhay. Ang lolang si Emma Abucay Monta, 63-anyos, ay nagbebenta ng laing at tumutulong ding maghimay ng gabi para sa mga kamag-anak. Kasama niya sa iisang bahay sa Muntinlupa ang kanyang apong si Kevin Rey Interompa, 12-anyos.

Noong Hunyo 1, nabili na rin sa wakas ang pinakaaasam-asam na cellphone ni Kevin dahil sa tulong ng kanyang Nanay Emma.

Naghintay lamang si Kevin sa labas ng mall habang pumasok naman si Nanay Emma sa mall upang mabili na ang matagal nang pinapangarap na cellphone ng apo.

“Ang sabi ko, ako na ang bahala, ipagkasya na lang, basta ‘yong pinakamababa na presyo na touchscreen ang gusto mo,” kuwento ni nanay.

Agad namang sinubukan ng bata ang bagong cellphone nang makitang bitbit na ito ni Nanay Emma paglabas ng mall.

“Sabi ko, ‘ayusin mo, maganda ‘yan kasi diyan ka makakabasa, [may] mathematics din ‘yan. At may kaunting laro rin diyan. Andiyan lahat,'” dagdag pa ni Nanay Emma.

Iginiit din ni nanay na malaki ang maitutulong ng nabiling cellphone para sa pag-aaral ni Kevin sakaling magkakaroon ng online class. Grade 7 na ang apo sa darating na pasukan.

Subalit, pinoproblema naman nila ngayon ang kawalan ng internet. 

“Ang problema lang ‘yong tinatawag na wifi kasi wala naman signal,” ani Nanay Emma.

LATEST

LATEST

TRENDING