Mga opisyal na sangkot sa anomalya, hindi tutulungan — Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal na sangkot sa mga iligal na gawain na wala na silang matatanggap na tulong mula sa kanya.

Aniya, “Wala kayong maasahang tulong sa akin for after all, did I not warn you earlier na huwag itong pera na itong in-appropriate ng Congress binigay para i-implement natin [ang mga programa kontra Covid-19]”.

Sinabi ito ng pangulo kasabay ang paghingi kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ng update tungkol sa distribusyon ng ayudang pinansyal para sa mga pamilyang apektado ng Covid-19 pandemic.

Ayon kay Año, nakapagsampa na ang DILG na ilang mga kaso kontra sa mga pasaway na opisyal na nakikihati aniya mula sa social amelioration program (SAP) na dapat ay ipinamimigay nang buo sa mga benepisyaryo.

Inaasahang madaragdan pa ang mga lokal na opisyal na masasampahan ng reklamo dahil sa pagkakasangkot sa anomalya sa distribusyong ng ayuda.

 “Mga 155 barangay captain official ang aming iniimibestigahan. At ang 30 ay nai–refer na namin sa Ombudsman,” paglilinaw ni Año. Dagdag pa, “So lahat pong ito ay kakasuhan namin sapagkat labag sa batas yung kanilang ginawa.”

Nagbabala naman ang pangulo na mahaharap sa kasong malversation ang sino mang opisyal na magtatangkang kumupit sa kaban ng bayan.

Once you accept the money and you misspend it or misappropriate it, it is malversation (Kung tumanggap kayo ng pera at hindi ninyo ginamit ng maayos, ito ay malversation),” giit ni Duterte.

Tinatayang nasa P200 bilyon ang naibigay ng pamahalaan bilang ayuda sa mga mahihirap kung saan makatatanggap sila mula P5,000 hanggang P8,000. 18 milyong pamilya ang nabigyan mula sa unang bugso ng SAP at “almost 99 percent complete” na raw ang distribusyon ayon kay Secretary Año.

Ang pangalawang bugso ay nakahanda na rin aniya. “At ang gagamitin naman dito ay ang ATM payment scheme kaya baka mas madali ang pagpapatupad ng second tranche”, ani Año.

LATEST

LATEST

TRENDING